top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Big time businessman ang fiancé… BISEXUAL NA EX-GF NI SAM NA SI MARI JASMINE, BUNTIS NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 16, 2022




Nakakatuwa ang komento ng ilang netizens kay Sam Milby dahil ang gaganda raw ng mga naging girlfriends nito.


Kamakailan kasi ay nag-post ng baby bump ang vlogger/model na si Mari Jasmine sa kanyang IG account habang may kamay ng lalaki na nakahawak sa tummy niya.


Ang caption ni Mari Jasmine: “Our greatest adventure yet I spent years not knowing where life would take me but I’ve never been so sure that this is the path I was meant to be on. Can’t wait for the 3 of us to walk down the aisle!”


Nakatakdang ikasal na si Mari Jasmine sa negosyanteng si Michael Concepcion na may-ari ng Welcome Worldwide na official franchisee ng Adidas Originals sa Pilipinas at Commonwealth boutique mula sa Amerika.


Si Mari Jasmine ay nakarelasyon ni Sam nu'ng 2016 at naghiwalay sila nu'ng 2018 dahil na-link ang modelong vlogger sa direktor na si Samantha Lee na miyembro ng LGBTQIA+.


Opisyal ding ibinandera noon ni Mari Jasmine ang relasyon nila nang pareho silang dumalo sa Pride Parade sa Marikina City.


Maraming supporters sina Sam at Mari Jasmine ang nalungkot noon dahil nga boto na sila sa dalawa at masasabing bagay naman talaga, pero gayunpaman ay tinanggap na rin ito ng kanilang mga tagahanga.


At taong 2020 ay nabalitang naghiwalay na sina Mari Jasmine at Samantha at pumasok na ang pangalan ng fiancé ng dalaga na si Michael nitong 2021, at soon ay magkakaroon na sila ng anak.


Isa-isa naming binasa ang mga komento ng mga netizens sa isang website tungkol kina Sam at Mari Jasmine. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod…


“Bisexual pala siya, she's gorgeous! Ganda ng mga GF ni Sam Milby, ha?!"


Say ni @a_riz_canlas, “Finally, lalaki na! Yessss! (emoji clapping hands)"


Hindi ito pinalampas ni @marijasmine, @riz_canlas this is very biphobic and rude.”


Pagtatanggol ni @yourgirlmarielle, @riz_canlas Check your manner, sis.”


Ayon pa sa isa, “Wait, siya ‘yung ex ni Sam Milby tapos after ng breakup nila, nag-come out as LGBT, 'di ba?"


Sinagot naman ito ng isang netizen ng, “Yeah, that’s her. Yes, she's pretty, 'no?”


Komento pang nabasa namin, “Sometimes, you would think na they’re just in a confused and hurt stage when they come out as bisexual after a breakup. In the end, opposite sex din naman talaga ang gusto nila.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page