top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Big Lagoon, nag-flex ng kampeonato sa Turf

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 28, 2023


Ipinakita ni Big Lagoon ang pagiging kampeon nang manalo ito sa 2023 PHILRACOM "Commissioner's Cup" na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, Linggo ng hapon.


Pagharurot sa largahan ay nakipagtagisan na ng bilis si reigning Presidential Gold Champion Big Lagoon kay Boss Emong sa unahan. Papuntang far turn ay nagkakapanabayan na sa unahan sina Big Lagoon, Boss Emong at Gomezian.


Naagaw ni Boss Emong ang unahan papasok ng home stretch nasa labas si Gomezian habang nasa tabing balya si Big Lagoon.


Umawat ng renda si jockey John Alvin Guce upang ilabas ang anak nina Havana at Blue Catch na si Big Lagoon at makaremate ng maayos sa rektahan.


Nasunod ang gusto ni Guce, napunta si Big Lagoon sa tersero puwesto, nasa unahan si Boss Emong na may apat na kabayo ang agwat sa kanya habang nasa pangalawa si Gomezian.


Sa huling 150 metro ng laban nasilayan ng mga karerista ang husay ni Big Lagoon, inungusan nito sina Boss Emong at Gomezian upang tawirin ang meta ng may apat na kabayo ang distansya.


Inirehistro ni Big Lagoon ang tiyempong 1:39.2 minuto sa 1,600 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Melaine Habla ang P1.5M premyo.


Segundo si Boss Emong na nag-uwi ng P562,500 habang tig-P312,500 at P125,000 ang third at fourth pacers na sina Gomezian at Super Swerte ayon sa pagkakasunod.


Samantala, ang nasabing stakes race ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page