Big Lagoon at Boss Emong tampok sa pista ng Turf
- BULGAR
- Mar 26, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 26, 2023
May date sa pista sina Big Lagoon at Boss Emong sa magaganap na 2023 PHILRACOM Classic Cup Division I na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Gagabayan ni jockey John Alvin Guce si Big Lagoon habang si star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang sasakay kay Boss Emong. Makakaharap nila Boss Emong at Big Lagoon sina Gomezian, Sky Shot, Don Julio at Robin Hood kung saan nakalaan ang P2.5-M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Inaasahang mahigpit na karibal ni Big Lagoon si Boss Emong dahil makailang beses na silang naglaban.
Si Big Lagoon ang reigning Presidential Gold Cup Champion habang si Boss Emong ay nahirang na Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse of the Year awardee.
Posibleng magbigay din ng magandang laban ang magkakamping sina Sky Shot at Don Julio sa distansiyang 1,800 meter race.
Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1.5M, mapupunta sa 2nd placer ang P562,500 habang sa third ang P312,500 at sa 4th ang P125,000. Ibubulsa ng breeder ng winning horse ang P125,000, habang tig-P75,000 at P50,000 ang 2nd at 4th sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli de Leon.
Samantala, 12 races ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.





Comments