top of page
Search
  • BULGAR

'Big bird' gamit na gamit na panghatak... MOVIE NI ENRIQUE, NAGKLIK KAHIT 'DI KASAMA SI LIZA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 23, 2024


Photo: Screengrab from I AM NOT BIG BIRD Trailer / FB


Pinauso ni Enrique Gil ang one-liner na "I AM NOT BIG BIRD" kaya tuloy curious ang ilang Marites at Mosang kung dyutay nga ba ang boyfriend ni Liza Soberano.


Naku, sa pelikula lang niya 'yun, 'noh, na showing pa ngayon sa maraming sinehan, in pernes. Naalala tuloy ni yours truly ang hirit noon ni Ms. Vicki Belo sa panayam sa kanya ni former Manila Mayor Isko Moreno na mas gusto raw niya ang mataba kesa mahaba, na ang tinutukoy nga ay ang 'bird' ng mga barako, 'no!


'Niwey, umani ng samu't saring papuri ang comeback movie ni Enrique kahit pa hindi niya kasama ang dating ka-love team na si Liza Soberano.


Puring-puri ng mga nakapanood ang I Am Not Big Bird dahil sa tapang at nag-uumapaw na katatawanan na hatid nito.


Kapansin-pansin din ang makabagong atake nito sa 'pagkalalaki' habang patuloy na pinatatawa ang mga critics at moviegoers.


Pinuri ng independent journalist at Instagram influencer na si Pola Del Monte @MissChiefEditor ang pelikula dahil naging maayos ang pagtrato nito sa kababaihan na iba sa karaniwang nangyayari sa sex comedy movies.


Ani Pola, “I think it’s a huge step for Philippine cinema, given that raunchy shows or movies tend to exploit women. I didn’t get offended (though honestly mildly shocked), but I would recommend this even to girls my age to watch with fellow tita friends. It’s raunchy but it doesn’t put women in a bad light.”


Bida naman sa ibang reviews ng pelikula ang camaraderie nina Carpio, Macky at July na ginampanan nina Enrique, Nikko Natividad at Red Ollero.


Sa isinulat ni Philbert Dy sa kanyang review sa Spot.ph, ibang chemistry ang meron sa tatlo na talaga namang nagpapahalakhak sa mga manonood.


Aniya, “The prickly dynamic between the three leads is fun, especially when they get on each other’s nerves. It just feels like they all understand the assignment, playing three guys who’ve known each other forever, and are prone to turning off their filters when they’re together.”


Saad naman ni Roy Remorca ng Cinegeeks Podcast, “Feeling ko nga, parang ito 'yung sine na first time in a long time na ang konti ng pahinga ko ng tawa.”


Ayon sa post ng film review platform na Maganda Ba?, “Mahuhusay silang apat na main cast. It’s definitely a good decision for @enriquegil17 na ito ang comeback movie niya. The movie got some balls (literary and figuratively). Matapang ito na sumubok ng bagong kuwento. Definitely a good watch for me!”


“It has opened doors for others to create more gutsy and refreshing concepts for the Filipino audience to see,” sabi naman ng Goldwin Reviews sa Facebook.


Nasa ikalawang linggo na sa mga sinehan nationwide ang pelikula na umiikot ang kuwento sa brokenhearted na si Carpio na may malaking misyon sa Thailand kasama ang mga kaibigan na

sina Macky at July, pati na rin ang kanilang magiging tour guide na si Prajak na ginagampanan ni Pepe Herrera. Subalit maghahatid ng matinding gulo ang pagkakahawig ni Carpio sa isang sikat na porn star.


Huwag palampasin ang solid na kuwento at katatawanang handog ng I Am Not Big Bird mula sa Black Sheep, Anima Studios, at Immerse Entertainment na showing sa mahigit 100 cinemas nationwide.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page