top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bidang aktor mismo ang backer… JERIC, JOIN SA SERYE NINA ALDEN AT BEA

BULGAR
Mar 17, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | March 17, 2022




Ipinakilala na ng GMA-7 ang dalawa pang makakasama nina Bea Alonzo at Alden Richards sa Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up na sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.


Overwhelmed si Jeric sa nalaman na si Alden mismo ang nagrekomenda sa kanya na masama sa cast. Alam niyang makakaya ni Jeric ang maibibigay ditong role at nangakong gagawin ang lahat para magampanan nang mahusay ang trabaho niya.


“Matagal kong hinintay ang ganito kalaking break. 'Andu’n ang pressure, but good pressure siya at matsa-challenge ako,” pahayag ni Jeric.


Tuwang-tuwa rin si Yasmien nang malamang kasama siya sa cast ng Start-Up dahil noong pandemic, ito ang paulit-ulit niyang pinapanood.


“Matagal na akong naghahanda para makasabay ako sa mga kasama ko. First time kong makakasama sina Alden at Bea at Jeric din. I’m so excited dahil new cast ang makakasama ko, very refreshing. Excited din ako sa gagampanan kong role. Saka, fan ako ng Start-Up,” ani Yasmien.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page