Bida sa FB series… JHASSY AT HEINDRICK, HAPI NA NEXT KATHNIEL DAW
- BULGAR
- Feb 7, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 7, 2023

Record maker talaga sa showbiz ang young actress na si Jhassy Busran.
Pagkatapos umapir sa youth-oriented movie ni Direk Perry Escaño titled Caught In The Act na nagtala as the first local film na ipinalabas sa mga sinehan after lockdown due to COVID19 pandemic, umapir din si Jhassy as one of the lead stars ng kauna-unahang Facebook series na Roommate sa direksiyon ni Gabby Ramos.
Jhassy plays the role of Natasha sa Roommate bilang love interest ng bago niyang kalabtim na si Heindrick Sitjar. Ginagampanan naman ni Heindrick ang role ni Barry, a socially challenged teenage boy.
Nagkaroon ng bonggang mediacon ang Roommate sa Luxent Hotel last Saturday. Doon ay napansin namin — or should we say na nagulat kami — sa galawan nina Jhassy at Heindrick o mas kilala ngayon bilang “JhassDrick.”
Pansin kasi namin na madalas nang nakaakbay si Heindrick kay Jhassy, habang si Jhassy naman ay nakahawak sa beywang ni Heindrick.
Sila na ba?
“Ang masasabi lang po namin talaga is we’re both happy kung ano'ng meron kami ngayon, we’re enjoying each other’s company, masaya kami sa individual projects namin and as mag-partners,” tugon ni Jhassy.
Ngayon pa lang ay sinasabi na ng mga showbiz kibitzers na ang JhassDrick love team na ang papalit sa level-up nang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Say ni Jhassy, "Actually it's an honor po na matawag na ganu'n. Siyempre, alam natin, KathNiel na po 'yun, 'di ba? KathNiel na.
"And kami, nag-i-start pa lang. And then 'yung ibang tao, tawag sa amin, ganu'n. So, sobrang nakakatuwa na nakikita nila 'yung ganu'n sa aming dalawa.
"Kasi kami naman, hindi namin siya... honestly ako, hindi ko siya naiisip na ganu'n. Pero naiisip nila sa amin 'yun. So, very thankful and at the same time, I'm very happy na ganu'n 'yung tingin nila sa amin.
"So, naiisip namin, effective talaga kaming dalawa. Kasi kinikilig sila kapantay ng kilig nila sa KathNiel. 'Di ba, parang ganu'n po?"
Thankful naman si Heindrick sa bagong taguri sa love team nila ni Jhassy.
“Tapos na-appreciate nila tayo. So, sarap sa feeling ng ganu'n. Siyempre, why not, 'di ba?
Kung 'yun ang tingin sa 'yo ng mga tao, nakaka-proud para sa sarili mo. Kasi ah, bukod du'n, nakikita mo na 'yung lahat ng hirap mo, pagod mo, may nangyayari,” pahayag ni Heindrick.
Kasama rin sa Roommate sina Earnest Beaver Magtalas as Peter, Barry’s alter-ego and hallucination, and MJ Manuel as Steve, Barry’s best friend.
Mapapanood ang kabuuang nine episodes ng Roommate sa official Facebook page ni Direk Gabby Ramos.





Comments