Bida pa naman ng serye… IVANA, AMINADONG PABEBE LANG, HIRAP NA HIRAP UMIYAK
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 27, 2022

Nahirapan umanong umiyak ang lead actress ng A Family Affair na si Ivana Alawi.
Inamin ito ni Ivana na sa mga difficult scenes na kinakailangan niyang umiyak ay hindi niya agad magawa.
Kung pipilitin naman daw niya ang sarili, feeling niya ay nagmumukha siyang pabebe.
Pero, iyon daw ay noong nag-uuumpisa pa lang siyang mag-artista. Iba na raw naman ngayon dahil nagdaan siya sa matinding workshop para sa kanyang launching teleserye kung saan required ang mga heavy drama scenes.
Pressure nga raw para sa kanya but she has to do it para naman daw sa ikagaganda ng teleserye.
Tinanong siya kung saan siya mas nahirapan sa mga eksena sa AFA.
Aniya, “Siguro, ‘yung pinakanahirapan ako, sa mga iyakan (laughs). Kasi ‘pag umiyak ako, ‘yung pabebe lang, tapos dito, ‘yung mga drama, talagang you really have to do well and nape-pressure ako ru’n. Sabi ko, ‘Oh, my gosh!’ Parang, ‘Direk, pang-drama ba ako? Parang pang-comedy (laughs),’" natatawang sabi ng sexy actress.





Comments