top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bianca Umali, pangarap na mag-alaga ng baby

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 22, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 22, 2024




Isa sa mga pangarap ng Kapuso actress na si Bianca Umali na hindi raw aware ang mga tao ay ang maging isang ina.


Sa guesting niya sa vlog ni Luis Manzano na "Luis Listens," natanong siya ng TV host kung ano ang hindi alam ng madla tungkol sa kanya.


Diretsong sagot ng aktres, "Sa kung nasaan ako sa buhay ko ngayon, that would be ‘yung ambisyon ko na maging nanay."


Pagbabahagi ni Bianca, galing daw ang pangarap na 'yun sa lola niyang nag-alaga sa kanya nu'ng nawala ang mga magulang niya.


"Now that I am getting older, nakikita ko ‘yung bits and pieces of her in me, and that just makes me happy. And I know that purpose ko sa buhay na ‘to ‘yung mag-alaga ng tao, maging nanay. Kahit na hindi ko pa anak," sey ni Bianca.


Humirit pa si Luis ng banat at tinanong si Bianca kung ayaw ba nitong mag-nurse na lang para instant madir na agad ang papel ng aktres.


Paliwanag ni Bianca, "Ambisyon kong maging mommy and I’m excited to be one legitimately. But ngayon pa lang, ‘yung alagaan ko si Ruru, alagaan ko ‘yung lola ko, alagaan ko ‘yung mga taong katrabaho ko, it makes me genuinely happy."


Purpose na raw yata talaga ni Bianca sa buhay ang alagaan ang mga mahahalagang tao sa paligid niya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page