BIANCA, TINANGGAP LANG NG GMA-7 DAHIL SA DYOWANG SENADOR
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 24, 2022

Sparkle member na rin ang dalawang Kapamilya artists na sina Bianca Manalo at Jayson Gainza.
Pumirma na sila ng kontrata na ibinahagi sa social media ng GMA Sparkle.
Komento ng mga netizens, "Sino kaya nakaisip ng Sparkle? Walang dating."
"Unang nasambit ko nga, eh, ano ba ‘yung Sparkle? Hehehe. Mga 20 seconds bago ko naalala na kay (Johnny) Manahan pala. Hindi catchy. Walang dating. Parang jewelry shop lang."
Sabi naman ng isang netizen, "Parang trying-hard copycat lang ‘yang Sparkluk na ‘yan sa Star Magic in which si FMG talaga ang utak at nagtatag. Siya talaga ang nakakakita kung sino ang may star value at charisma sa mga bagong artista."
May nakapansin naman sa aura ngayon ni Bianca.
“Biglang tumanda ang hitsura ni Bianca,” sey ng isa.
Pag-agree ng isa pa, "Bakit biglang tumanda si Bianca?"
Komento naman ng isa pang netizen, "Magaling na actor si Jayson Gainza, ha, but always support lang siya. Pero he's good, may acting award na rin siya. Si Bianca hmm. . . binigyan siya before ng show na siya ang bida pero waley talaga."
"Factor din na GF siya ng senator,” sabi ng isa na alam naman nating ang tinutukoy ay si Sen. Sherwin Gatchalian.
"Kaya pala nasa TikToClock na. Congrats!"
"Baka pinapirma kasi dahil sa jowang senador na malapit sa isa sa may-ari ng Sparkle."
"Itong si Jason ang isa sa mga unang lumipat sa TV5 nu’ng nawalan ng franchise ang ABS.
Ngayon, sa GMA naman siya. Kailangan talagang kumayod para sa pamilya."





Comments