top of page

Bianca, lumusob sa ospital… RURU, NAAKSIDENTE NA NAMAN SA TAPING NG SERYE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2025
  • 4 min read

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 3, 2025





Naaksidente na naman si Ruru Madrid habang nagte-taping ng Lolong, Pangil ng Bayan at kahapon, lumabas ang result ng kanyang MRI. 


“Hoping and praying na hindi ito Grade 3 strain, which means a full tear that could take weeks or even months to recover,” sabi ni Ruru.


Mahirap nga naman kung matatagalan ang kanyang paggaling dahil nasa kalagitnaan siya ng taping sa action-packed series. Paano na kapag naubos ang taped episodes at paano kung wala silang taped episodes?


Sabi pa ni Ruru, “Masakit? Oo. Pero mas masakit ‘yung pakiramdam na kailangan kong huminto. All I could think about was my team, the scenes we still have to finish, and how much I wanted to push through. But that’s the reality of doing action—sometimes, your body reminds you that you’re only human.”


Pinasalamatan ni Ruru ang lahat ng nag-assist sa kanya, kasama ang GF na si Bianca Umali na sumugod sa ospital na pinagdalhan kay Ruru. 


Hindi raw siya iniwan ng GF at habang nagpapagaling siya, tiyak nasa tabi niya ito.


May nag-suggest pala na kapag natapos ang Lolong, ‘wag munang action ang gawin ni Ruru. Romance-comedy o kaya’y drama muna ang gawin niya at ipahinga muna ang

katawan na nabubugbog doing action scenes.


May pangako pala si Ruru, “This is just part of the journey. And trust me, I’m coming back stronger. See you, soon!”


Piktyur ng isa't isa sa IG, ‘di pa binubura…

MIKEE, INIYAKAN ANG BREAKUP NILA NI PAUL


Akala ng lahat, April fools lang ang balitang break na sina Mikee Quintos at Paul Salas at may nag-akusa pa ngang baka promo lang ng Slay na kasama ang aktres sa cast. Pero, sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nu'ng Martes, inamin ni Mikee na break na nga sila ni Paul.


Umiiyak si Mikee na nagtapos na nga ang relasyon nila ni Paul, kaya pala hindi na nila inila-like ang post ng isa’t isa sa Instagram (IG). 


Naka-off din ang comment box ng IG ni Paul, pero may photos pa ni Mikee sa IG niya. 

Ganoon din si Mikee, may photos pa ni Paul sa IG niya at dahil naka-open ang comment box, ang daming Marites na nagbigay ng kani-kanyang opinyon sa nangyari.


May mga nanghinayang dahil ang tagal na rin nila at close sila sa kani-kanyang pamilya. Lagi ngang kasama si Paul sa mga travels ni Mikee and her family, dito man o sa ibang bansa. Si Mikee naman, present sa mga family events nina Paul at nag-attend pa nga siya sa birthday ng lolo ng aktor.


May mga ‘kaaliw lang na comments, gaya ng makakahanap din sila ng para sa kanila. Saka, mas bagay daw si Mikee kay Kelvin Miranda na minsan ding na-link sa aktres. May nag-comment pa na sumunod sila sa mga showbiz couples na nag-break, akala pa naman ng mga fans, magtatagal ang kanilang relasyon.


So, sa cast ng Slay, si Mikee na lang ang single dahil sina Gabbi Garcia, Ysabel Ortega at Julie Anne San Jose ay masaya sa kani-kanilang love life.



SINUGOD na ng mga netizens ang Instagram (IG) ni Lucena Mayor Mark Alcala and so far, wala pa namang major bashing na ipinupukol sa kanya. 


Ang nababasa lang naming mga comments ay bagay daw sila ni Kathryn Bernardo at may hawig pa na inalmahan ng mga fans ng aktres.


Huwag daw mabanggit-banggit ang pangalan ni Kathryn sa mga comments kay Mayor Mark, ‘wag daw itong idamay. 


May nag-suggest naman na iba na lang ang ligawan ng mayor na sinagot ng isang netizen na ‘wag maging pala-desisyon at ‘wag pakialaman kung sino ang gusto nitong ligawan.


May mga comments din na mas bagay si Mayor Mark at ang volleyball player na si Mika Reyes, kaya lang, break na sila at kay Kathryn na nga nali-link ang una. 


Naging ex din siya ni Ashley Ortega, kaya may sumunod na comment na mahilig daw si Mayor Mark mag-girlfriend ng sikat na at hindi na niya pasisikatin pa.


Actually, walang makakapag-comment sa IG ni Mayor dahil limited ang puwedeng mag-comment sa post niya. Saka, parang hindi siya ma-social media dahil ang karamihan sa post niya ay 2024 pa at nakaka-one post pa lang siya this year.


Ipinag-pray na smart, maganda at mabait…

KRIS, MAY NAPILI NANG BABAE PARA MAGING FIRST GF NI BIMBY


BINASA namin ang mahabang post ni Kris Aquino sa Instagram (IG) at may part na nagpa-smile sa amin. Ito ‘yung about Bimby at ang magiging first girlfriend nito.


Aniya, “Bimby got me, but it’s not fair to expect him to always be by my side. I’m excited to meet whoever his first girlfriend will be, there’s someone I really like for him - but when you push too much it’s already meddling. I am praying he will end up with someone smart, articulate, kind hearted, pretty, loving with a mom I’ll get along with and most of all, someone who will love my son equal to the love she has for herself.”


May paliwanag si Kris kung bakit nasabi niya ang last part sa kanyang post.

Sey niya, “Why did I say that? Because I’ve experienced seeing myself through another’s eyes, and that woman wasn’t me. I’ve always been self-assured but with illnesses with minimal options to go into remission, I started losing my confidence.”


Aliw, ‘di ba? Consistent si Kris sa pagiging matchmaker kay Bimb, marami tuloy ang na-curious malaman kung sino ang napili niyang girl para sa anak. 


Kahit noong wala pa siyang sakit, nababanggit na niya ang tungkol sa gusto niyang maging GF ni Bimby and eventually, wife ng kanyang bunso. 


Naalala rin namin na may nabanggit siya sa kanyang magiging balae.


“He turns 18 on April 19, my baby will be an adult. Yet even now, more often he is much more optimistic and level-headed than me,” dagdag na Kris na si Bimb ang tinutukoy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page