top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Bianca, bago raw ng guy… CELESTE, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN NILA NG RICH BF AFTER MABUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 15, 2026



Celeste Cortesi - IG

Photo: Celeste Cortesi - IG



Naglabas ng pahayag si Celeste Cortesi sa kanyang Instagram (IG) Story kaugnay ng mga tsismis na umano’y iniwan siya ng kanyang partner kahit magkakaroon na sila ng anak.


Aniya, “Jeremy and I are good. Our focus remains on caring for our child, Sergio, and supporting our family.


“I believe some situations call for better consideration and respect, especially when a

child and family are already involved.


“Our priority is our family, and that is where our time, energy and attention will remain.


“With that said, people can now relax and focus on their own lives instead. Thank you.”

Ito ang naging pahayag ng dating beauty queen sa kanyang Instagram (IG) account bilang tugon sa mga usap-usapang iniuugnay ang kanyang partner sa dati ring beauty queen na si Bianca Manalo, dating girlfriend ni Sen. Win Gatchalian.


Samantala, sari-saring reaksiyon naman ang mababasa mula sa mga netizens.

Ani ng ilan, “‘Di hamak namang pretty si Celeste.


“Ang importante ay umaagos ang pera sa ‘yo, Celeste, at sa anak mo. Kung ayaw na ng guy, hayaan mo s’ya, basta ang pera, overflowing lang.”


May mga nagtanggol naman kay Bianca, “Hahaha! Si Bianca ay may pinag-aralan at mayaman ang mga magulang. Tipong ‘di gold digger…”

Ngunit may mga kumontra rin.


Sey nito, “Walang magsasabi n’yan tungkol sa kanya maliban na lang kung ikaw si Bianca. Pakiusap lang.”


“‘Di gold digger type? Puro politician ang target. Well-educated pero ‘di ginagamit ang utak.”


“Mayaman si guy kaya pala pinag-aagawan.”

“Malas ni guy ‘pag si B ang papatulan n’ya.”


“Siguro, shaky na talaga relationship nila when she got pregnant. Sad to say, madalas ‘yan ang last resort ng mga babae para mag-stay ang lalaki sa relationship. Kaso ‘pag ayaw na, ayaw na talaga.”


“Hahaha! Ito ‘yung picture nila way back. Damage control si girl. Kunwari, sila pa pero ang totoo, binitiwan na kasi preggy.”

Ganu’n?





ISANG espesyal na pasasalamat para sa A’TIN ang inihahanda ng SB19 sa pamamagitan ng I WaS There thanksgiving fanmeet. 


Ito ay bilang pagkilala sa walang sawang suporta ng kanilang mga tagahanga habang patuloy silang nagtatamo ng mahahalagang tagumpay sa lokal at internasyonal na entablado.


Unang gaganapin ang fan meet sa Agosto 8 sa Sacramento, Estados Unidos, at sa Agosto 18 naman sa Yokohama, Japan.


Ang grupo ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Bago ito, nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang SB19 bilang kauna-unahang Pilipinong banda na magtatanghal sa Lollapalooza Chicago sa Hulyo 30. Susundan naman ito ng kanilang paglahok sa Summer Sonic sa Japan sa Agosto 15.


Marami sa kanilang mga tagahanga sa Pilipinas ang umaasang magkakaroon din ng lokal na edisyon ng I WaS There thanksgiving fanmeet, habang may ilan namang naniniwalang may mas malaking sorpresa pa ang grupo para sa kanilang anibersaryo sa Oktubre.


Inanunsiyo rin ng SB19 ang paglabas ng Wakas At Simula Global Version CD.

Noong Hunyo 12, naglabas sila ng teaser na may linyang “MAY BAGONG ATIN,” kasabay ng pag-anunsiyo ng isang malaking pasabog sa Hulyo 1, dahilan upang umugong ang iba’t ibang espekulasyon mula sa fandom.


Makakasama rin ng SB19 ang mga kapwa OPM artists na Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA sa Puregold OPM Con Generations sa Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum.


Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa ticketing at iba pang impormasyon para sa mga international fan meet. Gayunman, maraming A’TIN ang umaasang susunod na iaanunsiyo ang Philippine leg ng kanilang thanksgiving celebration.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page