top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BIANCA AT RURU, NAG-UNFOLLOW SA ISA'T ISA NANG MAG-AWAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | March 14, 2023




Hindi na nakapag-deny sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa ikinuwento ni Director

King Marc Baco na nagkatotoo ang apprehension niya in doing The Write One na paano kung nag-away ang mag-jowa, baka maapektuhan daw ang taping at performance ng dalawa?


Nangyari nga ang kinatatakutan ni direk dahil habang nasa taping, may staff na lumapit sa kanya para ibalitang may conflict sina Ruru at Bianca at in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram.


Inamin ni Bianca ang ikinuwento ni Direk King, “In-unfollow nga namin ang isa’t isa at spur of the moment lang ‘yun. Nadala lang ng emosyon, but we follow each other na naman.”


In fairness kina Bianca at Ruru, hindi naapektuhan ang taping at ang kanilang performance dahil pareho silang magaling sa The Write One.


Although sa mga sinabi ni Ruru, ang husay-husay ni Bianca sa role ni Joyce na asawa niya at ina ng kanilang anak. First teleserye ito ng dalawa at mature roles ang kanilang ginagampanan, at mapapanood ang nabanggit ni Ruru na “very passionate acting” ni Bianca.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page