Bgy. tanod sa iskul vs. shooting
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 21, 2026

Photo: File
Isinusulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaroon ng barangay tanod outpost sa loob ng mga paaralan bilang dagdag na seguridad kasunod ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, lalagdaan ng DILG at Department of Education (DepEd) ang memorandum circular para palakasin ang security protocols sa mga eskuwelahan.
“Ang hinihingi namin ay payagan ang barangay tanod na maglagay ng station sa loob ng mga eskuwelahan,” ani Remulla.
Aniya, mas kilala ng mga tanod ang mga kabataan sa kanilang lugar kaya maaari silang makatulong sa pagpapanatili ng seguridad at pagpigil sa bullying sa loob ng paaralan.





Comments