BFF, tinawag na Madam Auring… DONITA, BINASH NG NETIZENS SA PAMBU-BULLY KAY POPS, NAGSORI

ni Nitz Miralles - @Bida | April 3, 2022

Nag-sorry si Donita Rose sa netizen na nagalit sa kanya dahil sa comment niyang “Madam Auring” sa post ni Pops Fernandez na may caption na: “Kumusta ang gising n'yo? Ako ito... pa-cute lang, hehehe... Good morning. Have a blessed day.”
Marami ang nag-comment at nagalit kay Donita dahil feeling nila, ininsulto nito si Pops at kahit daw close friends sila at nagbibiro lang siya, hindi pa rin magandang biro ang kanyang ginawa.
Isang netizen ang nag-call out kay Donita at tinawag siyang bully. Sabi pa nito, “Stop bullying @popsfernandezofficial, galingan mo na lang pagluluto d'yan.”
Sagot ni Donita, “Hello there. Just wanted you to know na mali po ang pagkasabi ko sa post ni Ms. Pops. Close friend ko po siya at ibig kong sabihin na parang aura-aura lang. I didn’t mean to make it sound like an insult. Mali po ang translation ko and I’m sorry it came out that way.”
Hindi naman siguro na-offend si Pops sa pagkakamali ni Donita, kaya sana, patawarin na rin siya ng mga supporters ni Pops. Saka, masaya si Donita ngayon, inaming she’s dating again.
“I think it’s safe to say I’m seeing someone,” caption ni Donita sa ipinost na photo nila ng guy na idine-date niya ngayon.
Parang Filipino o Fil-Am ang nagpapasaya sa puso ni Donita ngayon.





Comments