top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

BFF, tablado para sa ex-BF… BEA, BINLOCK SI ANDREA PARA SA PERA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Lucille Galon @Special Article | September 28, 2026



SPECIAL ARTICLE - BEA, BINLOCK SI ANDREA PARA SA PERA-IG _beaaborres & _blythe

Photo: IG _beaaborres & _blythe



Natawa at napaisip ang mga netizens sa ibinulgar ni Bea Borres na binlock niya online ang aktres na si Andrea Brillantes na kanyang best friend dahil ayaw niyang makita nito ang mga content na ginagawa niya kasama ang ex-BF niyang si Meray Yamada.


Isiniwalat ito ni Bea nang maging guest siya sa Potluck Saturdays w/ Ben ng vlogger na si Benedict Cua, kung saan napag-usapan ang kanyang mga pinagdaanan bilang single mother, ang pregnancy niya at ang mga nangyari sa kanya bago at pagkatapos niyang isilang ang kanyang anak na si Baby Hopea.


Napag-usapan din ang ‘panggagatas’ niya sa ex-BF na dahilan kaya raw together sila ngayon sa vlog. 


Maraming netizens ang kinikilig sa kanila dahil todo-effort ang lalaki na mapasaya si Bea at ang kanilang anak. At dahil dito, malaki ang kinikita ni Bea mula sa mga views.


Nang tanungin ni Benedict kung bakit niya binlock si Blythe, pabirong sagot ni Bea, “Alam ko na ang sasabihin mo. Iba-block na lang kita. Mag-a-unblock-an din naman tayo.”

“Wait, binlock mo s’ya dahil ‘di s’ya boto sa ginawa mo?” tanong ni Benedict.


“Oo. Like alam ko na ‘yung mga kino-comment naman ng people. ‘Di na bago ‘yun, eh,” aniya.

Dagdag pa ni Bea, “Hintayin n’yo na lang na mabili ko ‘yung gusto ko at titigil na ‘ko. Promise.”


Inamin din ng celebrity mom na isa siyang ‘blocker’ pero nilinaw niyang nananatili silang magkaibigan ni Andrea.


“Pero kasi alam mo ‘yun, ‘pag nasa friendship kasi, if you’ve reached like a level na para na kayong magkapatid, ‘pag magkaaway kayo, wala na kayong ‘sorry-sorry.’ After five minutes, normal na. So, ganu’n na ‘yung level of friendship namin,” paliwanag niya.


Pahabol pa ni Bea, “We don’t hate each other. Nagkakainisan lang, kaya block na nga lang.”

Hindi rin nakalimot si Bea na ipahayag ang appreciation niya kay Andrea bilang kaibigan, lalo na sa tulong at inspirasyong ibinigay nito sa kanya.


Aniya, “I really wouldn’t be where I am without her. I don’t like utang na loob, pero grabe talaga ‘yung utang na loob ko sa kanya.”


Nang tanungin naman kung ano ang mensahe niya para kay Andrea, pabirong sagot ni Bea, “Sis, ano, ha? I know naman like what you’re saying. Totoo naman, ‘di ko naman din idinedenay. Totoo naman talaga lahat. I just really want to buy something. Hanggang sa mabili ko, promise, I’ll stop na.”


Kamakailan, nagsalita ang aktres tungkol sa ginagawa ng kanyang kaibigan. 

Sey kasi ni Blythe, “Lahat kayo kinikilig, puwes ako, hindi. Ma-uninterested na nga lahat ng ganitong content sa fyp (for you page) ko.”


Hahaha! Halata namang ‘di bet ng aktres na balikan ng kanyang BFF ang ex nitong si Meray. Grabe rin naman kasi ang iniyak ni Bea noon, inamin niyang nahirapan siya sa kanyang pregnancy journey at si Blythe ang ‘tumayong ama’ sa anak niya. 

Blythe, i-squishy toy na lang natin ‘yan para mawala ang stress mo. Hahaha!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page