top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

BFF ng aktres at ni Atong… RS: GRETCHEN, KAYANG IPASARA ANG HERMES PERO ‘DI MAGPAPATAY NG MGA SABUNGERO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9, 2025
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 9, 2025



Photo File: Gretchen Barretto - Instagram



Matagal nang magkakilala at magkaibigan ang isa sa mga Frontrow at Rampa Bar owners na si RS Francisco at ang controversial ngayong si Gretchen Barretto, mga 15 yrs. na rin daw.


Kilala rin at nakaka-bonding ni RS ang isa pang nasa hot water ngayon na si Atong Ang.

Nakausap namin ang businessman-producer last Sunday sa 3rd night ng wake ni Manay Lolit Solis sa Aeternitas Chapels sa Commonwealth, Ave., QC at aniya, mahigit 1 year na rin silang hindi nagkikita at nagkakausap.


But of course, nalulungkot siya ngayon sa mga akusasyon kay La Greta kaugnay ng diumano'y pagpatay sa mga nawawalang sabungero.


Ani RS, bilang kaibigan, kilala niya si Greta at alam niyang hindi nito kayang gawin ang ibinibintang ditong pag-uutos o pagsang-ayon para ipapatay ang mga nawawalang sabungero.


“She's not capable of that. Nu'ng marinig ko ‘yun, I was dumbfounded na parang ‘Ha? Gretchen? Sure?’ Cannot! 


“Kung ipasara pa niya ‘yung buong Hermes, kung ‘yun ang balita, baka posible pa. Or kung pinakyaw niya lahat ng perlas ng Jewel Pearl, ‘yun, maniniwala ako,” ani RS na tatangu-tango. 


“Pero ‘yung ipinaparatang sa kanya, I know her conscience is super clear. Her mind is

not capable of that,” dagdag pa niya.


Nagme-message raw siya kay Gretchen pero ‘di ito nagre-reply at inirerespeto naman daw ni RS ang pananahimik ng kaibigan.



Unang 4 entries, in-announce na…

VICE-NADINE, GERALD-ZOREN, PIOLO AT RICHARD-IVANA, PASOK SA MMFF 2025



File photo


INANUNSIYO na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang apat na official entries sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginaganap tuwing Disyembre. 


Kung last year, 10 ang napiling entries sa 50th year ng MMFF, sa pagdiriwang nito ngayong taon, 8 na lang ang makakasaling pelikula sa 51st MMFF.


Aminado ang pamunuan ng MMDA sa pangunguna ni Chairman Don Artes na naging mahirap para sa mga entries last year na 10 ang naghati-hati sa mga sinehan, kaya nagdesisyon silang ibalik na lang uli sa 8 ang mga official entries.


Unang pumasok sa listahan ng 4 na entries ang comedy drama na Call Me Mother na pagsasamahan sa unang pagkakataon nina Vice Ganda at Nadine

Lustre mula sa Idea First Company at sa direksiyon ni Jun Lana.


Pangalawa namang tinawag ang Rekonek na isang family drama na pagbibidahan nina Gerald Anderson at Zoren Legaspi mula sa Reality MM Studios at direksiyon ni Jade Castro.


Mukhang kinain ni Piolo Pascual ang sinabi noon na gusto muna niyang magpahinga sa pagsali sa MMFF dahil nawawalan siya ng time sa pamilya kapag Kapaskuhan. Heto at pasok uli ang entry ng Cignal TV, Inc. na crime thriller na pagbibidahan ni Papa P., ang Manila's Finest.


At tiyak na magbubunyi ang mga fans ng Shake, Rattle and Roll dahil muling magbabalik ang sikat na sikat na horror movie ng Regal Entertainment na pagbibidahan nina Richard Gutierrez, Ivana Alawi, Carla Abellana, Fyang Smith, Seth Fedelin at marami pang iba.

Mula naman ito sa direksiyon nina Shugo Praico, Joey de Guzman, and Ian Loreños.


Para sa 51st MMFF, 23 scripts ang isinumite at pinagpilian ng MMFF committee.

Ang 4 pang natitirang entries ay pipiliin from finished film submission na sa Sept. 15 ang deadline.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page