BFF, napatawad na… AI AI, NAG-MESSAGE KAY KRIS, DEDMA
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 31, 2026

Photo: IG _krisaquino
Walang “future relationship” na nakikita ang psychic na si Jovi Vargas kina Comedy Queen Ai Ai delas Alas at Empoy Marquez.
Magkakasama kasi ang tatlo sa upcoming comedy movie na Batang Paco na showing on Feb. 18 mula sa MiVida Productions, Inc., directed by Rechie del Carmen at mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa, kaya natanong namin ang psychic-turned movie star if puwede bang ma-in love sa isa't isa sina Empoy at Ai Ai lalo't single naman silang pareho.
Ang bilis at diretso ang sagot ni Jovi na walang-wala siyang nakikitang posibleng ma-develop ang dalawa sa isa't isa.
Ibinuking naman ni Ai Ai na may dyowa si Empoy at mag-ina lang ang turingan nila kaya ‘di sila talo.
Hindi pa rin naman daw ready si Ms. Ai na magkaroon ng bagong dyowa after ng failed marriage niya kay Gerald Sibayan.
Ayaw na rin daw niya sa mas bata at hindi rin niya bet ang mga AFAM dahil mahirap daw kapag nag-away sila, pa’no niya sasabihin ‘yung “Wala kang utang na loob!?” kaya ‘wag na lang daw.
Pero aminado siyang gusto pa rin niyang magkaroon ng lifetime partner na kahit companion na lang daw at wala nang sexual connection. Malungkot daw kasi ang mag-isa lalo na't may kani-kanya nang sariling buhay ang kanyang mga anak.
Sa ngayon, aminado si Ai Ai na hindi pa siya totally healed sa sakit ng ginawang panloloko sa kanya ni Gerald, pero kung wala namang masamang bibitawang masamang salita ang dating mister o ang kampo nito, tahimik naman siya at sinusubukan pa ring magpatawad.
Naalala tuloy namin ang dati ring itinuturing na BFF ni Ai Ai na si Kris Aquino na minsan ding nakasakit sa kanya. Kaya na rin ba niyang patawarin si Kris lalo't maysakit ngayon ang TV host?
Nagulat kami pero natuwa sa pag-amin ni Ai Ai na nag-reach out siya kay Kris at nag-message rito, pero marahil nga, nagpalit na ng number ang TV host kaya ‘di natanggap ang mensahe niya at walang feedback.
Du'n ka talaga bibilib kay Ai Ai at du'n mo makikita ang kabutihan ng kanyang puso. Gaanuman siya nasaktan, bukas pa rin siya sa pagpapatawad.
Well, sana nga soon, makita rin nating nagre-reunion ang dating mag-BFF.
For now, si Empoy muna ang bagong BFF ni Ai Ai at masusubukan ang kanilang chemistry sa Batang Paco.
Ang nasabing proyekto ang kauna-unahang handog ng MiVida Productions at maituturing na kanilang statement piece.
Kasama rin nila sa Batang Paco sina Mon Confiado, Ynez Veneracion, Chichi Rita at Cassy Lavarias, pati sina Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.
Mapapanood ang Batang Paco sa mga sinehan sa buong bansa simula Pebrero 18.








Comments