top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

BFF na si Ruffa, Imelda Marcos.. KARLA, MAID ANG ROLE SA MOVIE

BULGAR
Jun 15, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 15, 2022



Kung si Ruffa Gutierrez ang gaganap na Madam Imelda Marcos sa pelikulang Maid In Malacañang (na base sa 72 hours stay ng Marcos Family bago nila nilisan ang Malacañang Palace), sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo naman ang gaganap na mga maids sa nasabing pelikula na ididirek ni Darryl Yap at produced ng Viva Films.


Ang pelikulang ito ang pagkakaabalahan ni Karla Estrada dahil hindi na siya nakabalik bilang co-host sa Magandang Buhay. Si Judy Ann Santos ang ipinalit sa kanya.


Tanong ng mga netizens ay kung okey lang ba kay Karla ang role ng isang maid gayung malaki na siyang artista-TV host?


Well, kung si Elizabeth Oropesa nga na magaling at veteran actress ay pumayag gumanap na maid, bakit naman aayawan ni Karla ang kanyang role?!


Malaking movie ang Maid in Malacañang at maganda ang exposure niya rito.


Huwag nang pairalin ni Karla ang kanyang pride.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page