top of page

BFF na aktres, game maging yaya… ANGELICA, DINALA ANG ANAK SA BAHAY NI JUDAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 30, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 30, 2022


Nakakapamasyal na ang bagong panganak na si Angelica Panganiban. Bitbit ang first-born nila ng live-in partner niyang si Gregg Homan, iginala na nila ang super cute na si Amila Sabina o “Bean.”

Bumisita ang “Pamilya Homan” sa bahay nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.


Definitely, super na-happy sina Juday at Ryan, especially ang bunso nilang si Luna, sa pagdalaw ng mga Homans sa kanilang balur. At doon personal na nasaksihan ni Juday ang pagiging doting mother ni Angelica kay Amila.

Ipinost ni Juday ang litrato ni Angelica habang inaalagaan si Amila with Gregg. Sa caption ay isang madamdaming mensahe ang isinulat ni Juday para sa kaibigan niya na isa na ngayong first-time mom.

Caption ni Juday, “Ang sarap mong panoorin… pagmasdan at pakinggan… dahil alam kong ito talaga ang matagal mong hinintay at ipinagdasal… Deserve na deserve mo dahil handang-handa ka na. Binuo ka at pinagtibay ng Panginoon dahil may tamang tao talaga na ibibigay sa ‘yo… ‘yung aalagaan ka at mamahalin ka nang buong-buo… Napakasaya ko para sa ‘yo sweetheart.”

May mensahe pa si Juday sa kanyang caption para sa mag-partner na sina Angelica at Gregg. Very much willing daw maging “yayey” si Juday ni Baby Amila.

“Alam na, ah… ‘pag gusto n'yo mag-date.. bukas na bukas ang bahay namin para kay Bean…

ay, kasama pala kayo. 'Andito lagi ang Pamilya Agoncillo para sa Pamilya Homan. Mahal na mahal namin kayo,” pagboboluntaryo ni Juday.

Sa kabilang banda, may-I-post din si Angelica ng pagbisita niya sa bahay ng mga Agoncillo.


Ibinahagi naman ni Angelica sa kanyang post ang pasasalamat at suporta sa kanya ni Juday during her pregnancy hanggang sa pagkapanganak niya.

Post ni Angelica, “Magmula 1st trimester ng pregnancy, hanggang ngayon na nailabas ko na sa mundong ibabaw si Amila, walang tigil si Ate Juday sa pagpapadala ng care packages. Kulang na lang, siya magpaanak sa 'kin.


"Isang araw habang dinadama ko ang pag-iyak sa loob ng 3 hrs. (postpartum na kaya 'yun?),

nag-suggest si Gregg na baka gusto kong makita si Ate, para na rin sa mental health ko.


Agad-agad ko in-avail ang offer niya. At eto na nga ang hitsura ng pagtitipon ng mga pamilya namin.

(Luh, may pamilya na talaga me) THANK YOU Agoncillo family sa lahaaaat-lahat. Napakabuti n'yo sa 'kin, kay Gregg at ngayon, kay Bean. May mga pabaon pa si lunabun na very sanitized Minnie Mouse doll at may dessert pa from Chef Luna. We love you!!” So, there.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page