top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BFF, mula nang magpagamot sa US… BOY, UMAMING 'DI SILA NAG-UUSAP NI KRIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 22, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | December 22, 2022



Nakakaaliw ang “fast talk” tsikahan ng dalawa sa pinakamahuhusay, or should we rather say pinakamagagaling, na interviewers sa telebisyon — walang iba kundi ang King of Talk na si Boy Abunda at si Jessica Soho.


Nagharap sa unang pagkakataon sa telebisyon sina Jessica at Kuya Boy sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7 last Sunday.


Ang first interview ni Kuya Boy kay Jessica ay siya ring unang programa sa Kapuso Network na nag-guest ang nagbabalik-Kapuso.


Ang “fast talk” ay isang portion sa dating programa ni Kuya Boy sa ABS-CBN, ang Tonight With Boy Abunda kung saan isa sa mga tanong ay ang sikat na “lights on or lights off” and “sex or chocolate.”


Finast talk ni Jessica si Kuya Boy nu’ng una. Lights on ang sigaw ni Kuya Boy pero parang ‘di siya natanong on “sex or chocolate.”


Anyway, ‘di pinalagpas ni Kuya Boy ang pagkakataon na ma-on-the-spot si Jessica para sa “fast talk.”


Game naman si Jessica sa “lights on or lights off” at ang sagot ni Jessica ay “lights off.”


Kapag babae raw kasi, dapat “lights off.”


And on “sex or chocolates,” chocolates ang pinili ni Jessica.


Napag-usapan din sa interbyu ni Kuya Boy ang relasyon nila ngayon ng long-time friend niya na si Kris Aquino, kung nagkaroon ba sila ng falling out.


Ayon kay Kuya Boy, “The friendship is not perfect. Wala kaming problema ni Kris na hindi namin napag-usapan and I am referring to things that are personal, things that are political, things that are professional.”


May mga magkakaibigan daw na hindi nagkikita nang ilang taon pero kapag nagkita, nananatiling magkaibigan.


“To me, that is the best kind of friendship. The connection is there,” diin ni Kuya Boy.


Pero inamin ni Kuya Boy na since pumunta ng US si Kris for her medical treatment ay hindi pa raw sila nagkakausap.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page