BFF, alagang-alaga raw… HIRIT NI KIM: GREGG, DA BEST PARA KAY ANGELICA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 18, 2022

Pinasalamatan ni Kim Chiu ang partner ni Angelica Panganiban na si Gregg Homan.
Sa kanyang IG Stories, nagpa-thank you ang Chinita Princess dahil inaalagaan daw nang husto ng businessman ang kaibigang preggy actress.
"Thank you @gregg_homan for being the best ever for momsy angge!!!" at sinundan pa niya ito ng "#Deserve."
Nagkaroon ng reunion ang magbe-best friends na sina Angelica, Kim at Bela Padilla kung saan tinawag nilang AngBeKi ang kanilang grupo.
Very grateful ang girlfriend ni Xian Lim nang i-post nito sa kanyang IG Stories ang masaya nilang salu-salong tatlo.
Pinasalamatan naman ni Angge si Kim sa pag-treat ng dinner sa kanila and expressed her love for her best friend. Sobrang happy nga raw ng AngBeKi sa kanilang reunion.
Sabi ni Buntis (Angelica) sa comment section, "It’s the candle blowing for me. Sooo ultra love you Momsy. Salamat sa dinneret at flowers."
Sa ngayon ay busy sa pagpo-promote ng Always movie nila ng boyfriend na si Xian Lim ang Kapamilya actress na si Kim.





Comments