BF, wala raw kaalam-alam… LIZA, UMUWI NG 'PINAS, IBA ANG SUMUNDO, 'DI SI ENRIQUE
- BULGAR
- May 22, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 22, 2023

Ibinulgar ni Mama Loi sa Showbiz Update YouTube vlog kasama ang talent manager na si Ogie Diaz na dumating umano sa Pilipinas si Liza Soberano.
Aniya, "Alam mo ba? May nakakita kay Liza Soberano na sumakay ng van. Dumating daw dito si Liza sa Manila, 'Nay. Dumating daw ng airport, sumakay ng van. Pero, hindi si Enrique Gil ang nagsundo.
"Eh, may nakapagtsika sa akin, 'Nay, na kaya hindi si Enrique 'yung sumundo kasi 'di raw alam nito na darating si Liza. Nagulat pa nga raw si Enrique na nandito si Liza. Totoo kaya 'yun? 'Di raw aware si Quen na uuwi si Liza ng 'Pinas?" dagdag pa ni Mama Loi.
Sambit naman ni Ogie, "Hindi ko na alam. Wala na akong balita."
"'Di ba, usually ang naghahatid-sundo kay Liza ay si Quen?" ang pagtatanong ni Mama Loi.
At ang nakakalokang revelation pa nito, "Nasorpresa si Quen dahil sa ibang tao niya pa nalaman na nandito na si Liza."
Sey naman ng isa nilang co-host na si Tita Jegs, "Sila pa ba?"
"I'm sure sila pa rin," sagot naman ni Ogie.





Comments