top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BF sa dilim, durog sa panlalait… SIGAW NG NETIZENS: DOMINIC, TAGABITBIT LANG NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 28, 2021





Pinuri ng mga netizens si Bea Alonzo on the way she carries herself na kahit nakasuot ng swimwear ay walang "ipinasilip" na maselang bahagi ng katawan.


Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang piktyur ni Bea na nakaupo with a friend named Osang Odangco sa semento malapit sa pool.


Pamilyar na marahil sa mga netizens ang naturang lugar at pool area. Maraming celebrities na ang nag-post sa kanilang social media accounts ng piktyur nila habang nasa pool sa isang exclusive resort sa bandang South.


Comment ng netizen, "Nakakatuwa talaga si Bea, kahit naka-sexy outfit, conservative pa rin ang mga posing, samantalang 'yung iba, jusko, talagang inilalantad na ang pisngi ng puwet, dede…"


Mukhang may pinatatamaan ang netizen sa kanyang comment, kaya isa pang netizen ang umalma sa kanya.


Sabi ng umalmang netizen, "Flashing their boobs and butt does not make them less of a woman. It does not mean that they deserve less respect. Complementing her while degrading other women, hmm???"


Say ng isang netizen, may magagalit daw kasi kapag nagpakita ng boobs o butt si Bea.

"Magagalit si @dominicroque kaya conservative post lang."


Sa naturang post ay nagkayayaan sina Bea at mga showbiz friends and followers niya sa IG na sina Dimples Romana at Bea Saw.


Planong lumabas ng magkakaibigan at nag-suggest naman ang mga netizens kung sinu-sino pa ang puwedeng isama ni Bea.


May nanghula na tiyak na isasama raw ng grupo ni Bea ang perennial love team niyang si John Lloyd Cruz. May nagpasok din ng pangalan ng rumored boyfriend ni Bea na si Dominic Roque.


"Isama n'yo po si Dominic Roque, plsss?"


Tumutol ang ibang netizens na sumama si Dominic sa lakad ni Bea and her friends.

"Ba't mo ipapasama 'yang idolet mo sa kanila? Ano'ng gagawin n'ya doon, tagasimot ng tira nilang pagkain?"


"Ano naman ang karapatan ng Dominic n'yo? Dagdag-suweldo pa kung siya ang magbi-video sa Thursday barkada. Nandu'n si Idan (nickname ni John Lloyd) kaya hindi need ng alalay. Si Idan ang bf ni Bea, 'no! Mark my word."


Kalurks ang mga netizens, 'di ba? Kung laitin si Dominic, ganu'n-ganu'n na lang. May nagsabi pa na si Dominic daw ang tagakain, tagabitbit, taga-cover, taga-picture at video sa okasyon ni Bea.


'Pag ganyan naman, ibig lang sabihin, love talaga ni Dominic si Bea.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page