BF, proud na binati sa concert… ANDREA AT RICCI, 'BEBE KO' ANG TAWAGAN
ni Julie Bonifacio @Winner | February 12, 2023

Super successful ang first major concert ng Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Viñas de Luxe at Brigiding, ang Divine Divas: The Ultimate Drag Experience na ginanap nu'ng Friday night.
Nagpaka-true to the title na “ultimate drag experience” ang mga producers, creative team/staff at ang tatlong “divas” sa ipinamalas nila sa audience.
Super-ginalingan ng creative team — sa pangunguna ni former FDCP Chair Liza Diño-Seguerra — ang bawat detalye ng concert at bawat sulok ng venue para maging colorful, magical, dramatic and fabulous, or rather fantabulous, ang concert.
Sobrang ganda, high-tech at bago sa paningin ang stage. Ang husay din ng technical! Buo ang sound sa loob ng theater na ang ganda sa pandinig.
Bonggang-bongga ang visual graphics and effects, fantabulous ang mga costumes, at ang ganda ng choice of songs na ginamit sa concert.
Na-perfect na talaga ng production team nina Liza & Ice how to stage ang mga ganitong pa-big event.
Samantala, ginulat kami ng isa sa mga special guests sa concert na si Markki Stroem nang umapir ang singer-actor na naka-drag look.
Habang tuwang-tuwa naman kami sa isa pang guest that night na si Andrea Brillantes. Woman-na-woman na ang pangangatawan ni Andrea pero neneng-nene ang kanyang boses. Parang ‘di magka-match.
Anyway, naaliw kami kay Andrea nu’ng i-acknowledge niya sa audience ang boyfriend niyang si Ricci Rivero na tinawag niyang “dyowa” at “bebe”.
Sa laki ni Ricci at liit ni Andrea, bebe talaga ang tawagan nila, ‘di ba?
Bukod sa “Bebe” na tawag ni Andrea sa dyowa niyang si Ricci, in-announce rin niya na may bago siyang series sa iWantTFC na pinamagatang Drag You and Me kasama ang Divine Divas.
Sabi ni Andrea, “First time na magkakaroon ako ng show na nire-represent ko ang LGBTQIA+community. Hindi lang po para sa akin ito kundi para sa ating lahat ito.”
Sinamahan ni Ricci ang lola ni Andrea during the concert.
‘Di naman napigilan ni Ice na maging emotional towards the end of the concert. Si Ice ang direktor ng Divine Divas.
Noon daw kasi na nagsimula siyang umamin sa kanyang gender preference ay hindi sila tanggap ng publiko.
“People telling me not to dress up the way I want to dress up because friends wouldn’t like it. And now you’re accepting and embracing and loving. So that gives me hope,” pahayag ni Ice.
Dugtong pa niya, “This is very special for all of us. To finally have the Divine Divas here at this concert stage is such a blessing for us. Before, drag was a niche. But because of people like you who have been supporting them all the way, alam ko, maliwanag ang kinabukasan nila.”
Congrats!





Comments