top of page

BF, pine-pressure na raw… JULIA, TODO-PARINIG NA KAY GERALD PARA PAKASALAN SIYA

  • BULGAR
  • May 20, 2022
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 20, 2022



Sa interbyu ng King of Talk na si Boy Abunda, natanong si Julia Barretto kung ano ang isasagot kung sakaling mag-propose na ang boyfriend niyang si Gerald Anderson.


"Yes," ang walang patumpik-tumpik na sagot ng magandang aktres.


Napaka-ampalaya naman ng komento ng ilang netizens. Parang hindi talaga nila feel si Julia para sa aktor.


"Girl, don't worry, it will never happen"


Pinagsabihan naman siya ng isang commenter, "Swallow your words one day. You wish people ill."


At may kakampi ang netizen, huh, "'Yan ang akala n'yo."


"'Yan din hirit n'yo ke Jessy (Mendiola) dati, oh, tignan n'yo ngayon."


Hindi man lang daw kasi nag-pause muna si Julia bago sumagot,

"Patay na patay siya as if she will say no, lol!"


"Isang malaking IF 'yan, Julia girl."


"I hope when he proposes, you will truly have his heart forever."


Pinanghawakan naman ng commenter ang sinabi noon ni Gerald.


"Gerald said she's the one which is almost like a proposal."


"Well, she should say yes because she took a lot of risk to be in that relationship. Panindigan mo 'yan. Otherwise, next."


"Lakas maka-pressure ng mga statement niya kay Gerald! Boy, mag-ready ka na."


"She won’t say no. As if naman no, eh, patay na patay 'yang idol mo kay G."


May nagsasabi namang nagpaparinig na raw si Julia kay Gerald.


Isang netizen din ang nagsabing 'wag nang gamitin si Joshua Garcia ang kanyang ex.


Nabanggit kasi ni Julia na all-praises siya sa attitude ng actor nang tanungin din siya ni Kuya Boy about Joshua.


"Please lang, 'wag mo nang gamitin si Joshua, girllllllll."


Sana ay mabasa ni Julia ang lahat ng ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page