BF ni Ria lang ang 'di kasama… ZANJOE, OUT SA B-DAY CELEBRATION NI KATHRYN SA BANGKOK
ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 4, 2023

Nag-celebrate ng 27th birthday si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla sa Bangkok, Thailand.
Post-birthday celebration na ito ng aktres kasama ang mga kaibigan na March celebrants rin na sina Ria Atayde at Alora Sasam.
Kasama rin nila sina Sofia Andres, Daniel Miranda, Arisse de Santos, Pat Sugui, among others.
Sa IG ni Arisse, ibinahagi nito ang kanilang mga barkada photos habang kumakain ng different kinds of Thai food.
"Bangkok celebration for the Aries Babies!" aniya sa caption.
During Kathryn’s birthday last month, may ibinahagi na sweet birthday post si Alora sa kaibigan.
Aniya: "Happy birthday sa superstar na naka-renta sa atay ko. A birthday reminder for you from one of our favorite books, Ikigai: The people who live the longest have two dispositional traits in common: A positive attitude and a high degree of emotional awareness.
In other words, those who face challenges with a positive outlook and are able to manage their emotions are already well on their way toward longevity.
A reminder naman from me: Mahal kita." dagdag pa ng komedyanteng aktres.
Samantala, hinahanap naman ng mga netizens ang boyfriend ni Ria na si Zanjoe Marudo na parte rin ng grupo nila.
Hmmm... may valid reason naman siguro si Zanjoe kung bakit hindi siya nakasama sa Bangkok.
Sa pagkakaalam namin ay busy ngayon sa taping ang buong cast ng seryeng Dirty Linen, kung saan isa nga sa mga bida si Zanjoe at kapareha niya rito si Janine Gutierrez.





Comments