BF ni Maine, cong. ngayon… ARJO, BATA PA, PANGARAP NANG MAGING SENADOR
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 30, 2022

Mukhang seryoso nga sa kanyang political career ang a ctor-politician na si Arjo Atayde, anak ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez.
Hindi lang sa pagiging congressman ng Kyusi iinog ang kanyang mundo ngayong pumasok na siya sa political arena. Marami pa siyang gustong gawin upang makatulong sa nakararami.
Sa interview ni Korina Sanchez kay Sylvia, kaswal na naikuwento ng aktres kay Korina na bata pa si Arjo ay namulat na ito sa mga charity projects sa lalawigan nila sa Agusan del Sur.
Tumutulong sila at namimigay ng ayuda sa kanilang mga kababayan lalo na sa panahon ng kalamidad.
At bago pa pumasok sa showbiz si Arjo, kapag tinatanong siya ng kanyang mga kaklase kung ano ang kanyang ambisyon at pangarap sa buhay, ang sagot daw nito ay gusto niyang maging senador.
Hindi ang pagiging successful businessman ng kanyang Papa Art Atayde ang kanyang goal o ang maging sikat na artista tulad ng kanyang inang si Sylvia Sanchez.
Well, congressman na nga ngayon ng QC si Arjo Atayde kaya dapat ay magpakitang-gilas na siya upang mapansin ng taumbayan kung talagang pangarap niyang maging senador.
At kung si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang kanyang mapapangasawa, tiyak na makakatulong ito sa kanyang political career.
All-out naman ang suporta ng kanyang pamilya sa lahat ng kanyang pangarap sa buhay, lalung- lalo na ang kanyang Mommy Sylvia Sanchez na lahat ay gagawin para sa kanyang mga anak.





Comments