BF ni Andrea, takot daw sa kanya… XIAN KAY RICCI: PARANG BATANG AAGAWAN NG CANDY
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 1, 2022

“Kung nate-threat sa akin si Ricci Rivero, I therefore conclude na pogi ako,” ito ang patamang post ng lalaking Marites na si Xian Gaza sa boyfriend ng aktres na si Andrea Brillantes.
Hindi kasi nagustuhan ng basketbolista ang post ni Xian nitong Martes na gusto niyang i-prank o bulagain si Andrea sa gaganaping ‘meet and greet’ nito sa Dubai kung saan naroon din ang lalaking Marites.

Post ni Xian, “For the last one year, eh, maraming beses kong tsinismis si Andrea Brillantes.
Punta kaya ako sa meet & greet niya dito sa Dubai para mabuwiset. Pila ako with face mask tapos kapag turn ko na, bulagaaa, nyeeeaaaaam. Ha-ha-ha! Bad trip siguro 'yun.”
Nag-react si Ricci at ini-repost sa kanyang IG Stories ang post ni Xian Gaza at ang caption niya ay, “HAHAHA! BIDA-BIDA KA MASYADO!”
Sinagot ito ng lalaking Marites in capital letters, “RAMDAM NA RAMDAM ‘YUNG KABA NIYA HANGGANG DUBAI.”
Sinundan ng, “Parang batang aagawan ng candy, ihh, hahaha!"
“Meet & Greet lang, eh? Ang hirap talagang maging pogi. Matatakot talaga ‘yung jowa at baka maagaw mo. Pogi problems.”
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala kaming nakitang sagot ni Ricci at maging si Andrea ay wala ring post dahil abala siya sa pictorial niya sa kilalang designer na si Michael Cinco na nakabase sa Dubai.





Comments