BF, nag-champion sa UAAP… ANDREA, WA' PAKI SA MGA BASHERS BASTA HAPI KAY RICCI
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 19, 2022

Sa napakaraming bashers ngayon ni Andrea Brillantes, ayon sa aktres ay hindi naman siya affected.
Sey niya sa panayam ni Ogie Diaz sa YouTube vlog na Ogie Diaz Showbiz Update, “Hindi naman po sa manhid, it’s just that hindi lang po ako naaapektuhan sa kanila. Lalo na siyempre, parang more than 10 years na po ako sa industriya kaya sanay na sanay na ho ako.”
Of course ay nasasaktan pa rin naman daw siya pero it’s just that sa pagkakataong ito ay hindi raw talaga nakakaapekto sa kanya.
In fairness, kitang-kita nga kay Andrea na ang saya-saya niya. May ningning ang kanyang mga mata at pati ang smile niya ay glowing talaga. Na siguro nga ay dahil sa in love na in love siya ngayon. Kumbaga, masyado siyang masaya ngayon para maapektuhan ng mga bashers.
Pero for the sake of her peace of mind ay medyo nag-detox daw siya sa Twitter. Dito nga naman kasi siya talaga mas naba-bash nang husto kesa sa ibang social media accounts niya.
“Mas masaya lang na wala akong iniisip. Ang dami ko hong pinroblema, hindi talaga sila,” sey pa niya.
Mas na-stress pa nga raw siya sa UAAP championship ng Ateneo Blue Eagles at ng UP Fighting Maroons kung saan ay player nga ang boyfriend niyang si Ricci Rivero.
“UAAP ang nasa utak ko the whole time! Iniisip ko talaga, gusto ko lang manalo ang UP. ‘Yun talaga ‘yung ini-stress ko ho,” pag-amin ng aktres.
At nakamit naman ng UP ang championship after 36 years kaya naman proud na proud si Andrea sa boyfriend.
“Ang saya ko, at siyempre, masaya ako para sa boyfriend ko kasi before pa naging kami, nu'ng nag-uusap pa lang kami, sinasabi na niya talaga, gusto niya lang is mag-champion.
“Dahil last season na niya, gusto niyang mag-exit nang maganda. So, I’m very happy for him at natupad ‘yung gusto niya,” sey ni Andrea.





Comments