BF na si Mayor Mark, sure raw na proud na proud… PIKTYUR NI KATHRYN NA NAKA-PANTY, KALAT NA!

ni Nitz Miralles @Bida | September 18, 2026

Photo: Bench / Circulated
Kita ang panty ni Kathryn Bernardo sa latest pictorial niya for her Bench endorsement.
This is the sexiest pubmat of Kathryn at masuwerte ang Bench dahil sa kanila pumayag magpakuha ang aktres na ganito ang pose.
May nagbiro nga, ano raw ba ang ipino-promote ni Kathryn – panty, blouse o denim pants?
Ang daming nag-comment ng fire emojis, na ibig sabihin, she’s so hot in the photo.
Ang mga comments ay, “Grabe naman,” “Waiting for big billboard for unbeatable Queen,” “Ay, magsalawal. Hahaha!” “All hail to the Queen!!! Deserve ang Guadalupe Billboard. Please!” “Ang hirap gayahin,” “Ganito pala magsuot ng pantalon,” at ang may pa-shade na, “So pretty, idol. Baka gayahin ni noo ‘yan, nandu’n din sa Bench.”
Ang tinutukoy ng fan na ‘noo’ ay si Kaila Estrada, ang current GF ni Daniel Padilla.
Naka-move on na sina Kathryn at Daniel sa breakup nila, pero ang mga fans, nasa war mode pa rin at uso pa rin sa kanila ang parinigan.
May nanukso naman kay Lucena Mayor Mark Alcala, “Kay Mark daw lahat ‘yan,” “Suwerte ni Mark,” at may nakapansin naman na sa photo na ito ni Kathryn, nakasulat ang ‘BenchMark’.
May humirit pa na siguradong very proud si Mark Alcala sa GF niya dahil maganda na, sexy pa at maraming fans ang nagmamahal.
IN fairness kay Gian Bernardino, sobra niya kaming napatawa sa mga eksena niya sa horror-comedy movie na Pee-Mak (The Philippine Adaptation).
Ang husay ng isa sa lead vocalist ng Cup of Joe (COJ) sa nabanggit na pelikula, considering na first full movie niya ito at comedy pa.
Trailer pa lang ang napanood namin, pero sobra na kaming natawa, lalo na sa mga eksena nila nina TJ Valderrama Jairus Aquino, Vandolph at Wilbert Ross.
Sumabay si Gian sa mga matagal nang artista, kaya tuwang-tuwa sa kanya at sa buong cast si Direk Victor Villanueva.
Kuwento ni Gian, talagang inaral niya ang kanyang role at nag-effort na maiba ang acting sa isa pa niyang ginagawang pelikula.
“May notebook ako at du’n nakasulat ang character sa dalawang pelikula na ginawa ko para ‘di magkapareho,” share ni Gian.
May eksena pang naka-prosthetic si Gian na one hour daw inilalagay sa mukha niya para magmukhang namamaga ang face niya.
“Iniba ko rin ang hitsura ko rito, nagpakulot ako ng buhok at may suot na salamin sa buong pelikula,” dagdag ni Gian.
Successful si Gian dito dahil hindi siya agad nakilala kahit ng kanyang mga fans. Nagtanungan pa sila kung siya nga ba ang nakikita nila at nagtawanan nang makumpirmang ito nga ang nasa pelikula.
Sa mga fans ni Gian, panoorin n’yo siya sa Pee-Mak.
In fairness, kahit pelikula ang ipino-promote, hindi nakalimutan ni Gian na i-promote ang concert ng COJ sa December 3 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum billed Symphony. ‘Yun ang title dahil symphony orchestra ang kanilang kasama.
SARAH, OBYUS NANG MALAKI ANG TIYAN. TODO-TAGO PA RIN
PAGKATAPOS makitang nakasuot ng parang maternity dress, may suot namang blazer si Sarah Geronimo sa latest photo niya kasama ang asawang si Matteo Guidicelli.
Natatakpan ang tiyan ni Sarah sa kanyang suot, kaya nagtanungan na naman ang mga netizens.
Marami pa rin ang nag-congratulate kay Sarah kahit wala pang inaamin na buntis na siya. Ang mga fans na ang nagkumpirma sa estado niya.
‘Katuwa ang comment na, “So pretty buntis! Walang pa-reveal talaga? Nakaabang na ang buong Pilipinas @justsarahgph, ikaw please ang mag-post. Dito ang pila ng mga tsismosang napa-zoom! LOL (laugh out loud). Congrats, idol!”
May comment pa na, “I hate to make speculations especially about a woman’s body, but that last pic, halata na. Sorry po, Lord. Last ko na ‘to.”
At may isa pang nakakatuwang comment na, “Malaki na ang belly.”
Most of the comments were congratulating Sarah and Matteo for their anniversary. Post kasi ni Matteo (as is): “Celebrating with the best this evening, @chefjoshboutwood of Helm (white heart emoji).
“13 years with my love, and our first time here. It was an incredible experience. Chef Josh and his team crafted something impeccable: food true to its nature and elegant in its flavors. The cooking was complex, but every flavor stayed clear, simple, and natural. Happy 13, Amore (white heart emoji).”





Comments