top of page

BF na si Marc, maitim daw 'pag katabi siya…MADLANG PIPOL KAY KRIS: MAY SAKIT NA, MAARTE PA RIN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 13, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 13, 2023


ree

Kahit may sakit na, maarte pa rin at banidosa talaga si Kris Aquino. Ito ang comment ng mga netizens sa video na ipinost ng boyfriend niyang si Batangas Vice-Governor Marc Leviste recently sa Facebook page nito.


Muli ay nagpunta na naman sa Amerika si VG Marc kamakailan para samahan si Kris, lalo pa nga’t nasa Pilipinas na ang bunsong anak nito na si Bimby.


Sa simula ng video ay mapapanood ang pagbati nina Kris and VG Marc sa isang politician friend na nagdiriwang ng kanyang kaarawan.


Pagkatapos nito ay masaya silang nagbiruan. Kahit medyo masama ang pakiramdam ni Kris that time ay napansin pa rin niya ang pagka-dark ng skin ni Marc na lutang na lutang nga naman kapag katabi ang maputing girlfriend.


“Oh, see you’re really dark when you’re next to me,” puna ni Kris kay Marc.


Natawa naman ang pulitiko at sambit niya, “Okay, so, sabi ni Madam, kailangan ko na raw magpa-gluta (glutathione).”


Kontra naman ni Kris, “No, I didn’t say na magpa-gluta ka.”


Sagot ni Marc, “Oh, magpaputi.”


Sey ni Kris, “Yeah, you do.”


Umokey naman si VG Marc. Sambit pa niya, “LA all the way as in Leviste-Aquino.”


Pero, maya-maya ay nag-complain na si Kris, “I’m in pain,” at nagpaalam na.


Marami ang kinilig sa video at natuwa sa pag-aalaga ni Marc kay Kris kahit maarte pa rin ito.


“I do admire Marc Leviste's patience and sacrifice! God bless you, Sir, kahit maarte pa rin si Kris,” sey ng netizen.


“The guy is so patient looking & taking care after Kris. I hope maganda naman ang kauwian ng relationship na ito. I hope it will flourish into a beautiful one, God bless you both,” komento ng isa pang Facebook user.


“Kinikilig ako! Praying kayo na talaga... VGL must really love Kris! 'Andu'n siya palagi kay Kris while she is having her medical treatment. GOD BLESS YOU BOTH,” comment naman ng isa pang follower.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page