BF na si Atong, bongga!!! KALAT NA: WEDDING GOWN NI SUNSHINE, P44 M!
- BULGAR

- Jan 9
- 2 min read
Updated: Jan 10
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Jan. 9, 2025
Photo: Sunshine Cruz - Instagram
Shocked boogie kami sa latest tsika na aming nasagap tungkol kina Sunshine Cruz at Atong Ang na magpapakasal na raw any moment, as in!
Ang alam kasi namin, bagama’t malayang-malaya na si Sunshine sa dating mister na si Cesar Montano dahil annulled na ang kasal nila, hindi pa legally separated itong si Atong sa kanyang misis kesehodang may 15 yrs. na silang hiwalay.
Ang latest tsika pa nga na kaakibat ng balitang kasalan na ito ay P44 million worth of wedding gown daw ang isusuot ni Sunshine?!
Take note, tadtad daw ng diamonds ang wedding gown kaya ganu’n na lang kamahal.
Woooow-wow-win na win!
Sabagay, kung totoo man ‘yan, for sure naman ay yakang-yaka ‘yan ni Atong Ang na handang gawin at ibigay ang lahat-lahat sa nag-iisang babaeng kanyang sinisinta ngayon.
Napaka-lucky naman talaga ni Sunshine kapag nagkataon. Matapos nga siyang aminin ni Atong Ang sa interview nito kay Pinky Webb, aba’t pakakasalan pa?
Akalain mo nga naman, after ng failed marriage ni Sunshine kay Cesar at ng nauwi rin sa hiwalayan na relasyon niya kay Macky Mathay, finally ay dumating na sa kanyang buhay ang kanyang ‘knight in shining armour’ na reynang-reyna pa ang turing sa kanya.
Anyway, ano naman kaya ang masasabi rito ni Gretchen Barretto?
Bakit naman nabanggit ang namesung ni La Greta?
Ay, ask n’yo na lang ang tribo ni Mosang, okidoki?
Bonggang pasasalamat ang gustong ipahatid ng tinaguriang Lord of Scents na si Aficionado Germany Perfume CEO/President Joel Cruz dahil 25 years nang namamayagpag sa merkado ang kanyang negosyo.
Kaya naman bilang pasasalamat ay siya naman ang mamamahagi ng blessings sa mga regular buyer ng kanyang mga produkto ngayong 2025.
Ilan sa ipamimigay nito sa kanyang Bangong Milyones raffle promo ang mga kotse, iPhone, electric bike, electric vehicle, cash prizes atbp..
Bukod sa tagumpay ng kanyang negosyo ay masaya rin ang kanyang personal life sa piling ng kanyang pamilya at mga lumalaking anak na ang isa sa mga ito ay nakikitaan na ni Mr. Joel ng interes sa pagnenegosyo kaya naman isinasama-sama na nito sa mga meetings.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN kaugnay ng ipinanunukalang batas ni Cong. Joey Salceda na pagkalooban na ng franchise ang Kapamilya Network para makabalik na ito sa pag-broadcast.
Ayon sa inilabas na statement, “WHILE we were not aware of Rep. Joey Salceda’s filing of a bill to grant the broadcast franchise to ABS-CBN today, we are deeply grateful for his support and belief in ABS-CBN’s contributions and mission to serve the Filipino public.
“We would also like to express our sincerest thanks to Reps. Gabriel Bordado Jr., Arlene Brosas, France Castro, Raoul Manuel, Johnny Pimentel, and Rufus Rodriguez, who have previously filed similar bills.”
Hayyy, sana nga ay magkaroon na uli ng prangkisa ang ABS-CBN dahil marami talaga ang nawalan ng trabaho mula nang tanggalan ito ng karapatan para mag-broadcast on Phil. television.










Comments