BF, marami pang gusto… KIM, TODO-WAIT, AYAW PA RING YAYAIN NG KASAL NI XIAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 10, 2023

Bukod kina Bea Alonzo at Dominic Roque na inaabangan ng lahat kung kailan magpapakasal, sabik na rin ang mga fans ni Kim Chiu kung kailan magpo-propose sa kanya ang nobyong si Xian Lim.
Ilang taon na rin ang kanilang relasyon at parehong matatag ang kanilang career. Si Kim, financially stable na rin at naabot na ang peak ng kanyang career. At this point of her life, gusto na niyang mag-settle down at magkaroon ng sariling pamilya tulad ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.
But it seems, si Xian Lim ang hindi pa talaga handa na lumagay sa tahimik. Marami pa siyang gustong gawin at abutin para sa kanyang career. Bukod sa pagiging aktor, pangarap din ni Xian ang maging direktor.
Pati na ang scriptwriting ay kanyang pinag-aaralan. Dito niya gustong mag-focus kaya hindi pa niya mayayang magpakasal si Kim Chiu.
At dahil mahal na mahal ni Kim si Xian, handa siyang maghintay at sumusuporta rin sa pangarap ng nobyo.
Ayaw ni Kim Chiu na i-pressure ang BF. Happy na siya na nakakasama si Xian sa pagbabakasyon abroad kapag parehong libre ang kanilang schedule.





Comments