BF, loyal daw... KIM, PROUD NA SIYA LANG ANG MAGANDA PARA KAY XIAN
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 8, 2022

Para kay Kim Chiu, si Xian Lim na talaga ang kanyang Mr. Right dahil katwiran niya, hindi raw pinapasakit ng boyfriend ang kanyang ulo.
“Mr. Right naman talaga siya. Hindi niya naman pinapasakit ‘yung ulo ko, so siguro. . .” sey ni Kim sa panayam sa kanya ng Star Magic Inside News.
Dagdag niyang biro, “Ganu’n talaga ‘yung reason, char!”
Pero isa pang maipupuri niya kay Xian ay loyal boyfriend daw ito.
“Very loyal. ‘Yung parang kahit iharap mo siya sa lahat ng mga girls, parang ako pa rin ang maganda,” sey niya.
Matagal na nga ring itinatanong sa dalawa kung mayroon na ba silang plano na mag-settle down at sey ni Kim ay hindi naman daw sila nagmamadali dahil bata pa naman sila.
“(Edad) 30, 31 pa lang naman kami. Sa day and age ngayon, masyado pang maaga 'yun,” pahayag ng aktres.





Comments