BF, kahit todo-sakripisyo na para sa kanya… LIZA, 'DI PA RIN KUNTENTO KAY ENRIQUE
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 6, 2023

Dahil sa mga naging pahayag ni Liza Soberano sa kanyang vlog kung saan nabanggit niyang iisa lang ang kanyang naging leading man sa mga projects na kanyang ginawa sa ABS-CBN, marami ang nag-react at naawa kay Enrique Gil.
Lahat umano ay ginawa ni Enrique para protektahan ang love team nila ni Liza, at kung tutuusin daw ay marami na itong isinakripisyo dahil sa kanyang pagmamahal sa GF.
Hindi na ito nag-demand na maka-partner ang ibang Kapamilya stars, bagkus ay nag-stick sa tambalan nilang LizQuen.
Maging sa USA ay sinamahan niya ang aktres, at kay Liza lang umano umikot ang kanyang mundo. Pero, hindi pa pala kuntento ang aktres sa kanya.
Sinayang umano ni Enrique Gil ang kanyang panahon at napabayaan ang kanyang career nang dahil kay Liza. At sa paglipat ng aktres sa ibang manager, tuluyan nang naligwak ang aktor.
Naniwala ang aktres na matutupad ang kanyang Hollywood dream kapag si James Reid ang humawak sa kanyang career. Tinalikuran nito si Ogie Diaz na malaki ang naitulong upang siya ay sumikat nang husto.
Kaya ang payo ngayon ng mga fans kay Enrique Gil ay kumawala na rin sa anino ni Liza Soberano, at tiyak na susuportahan ito ng mga fans nila ng aktres.
Patunayan daw ng aktor na kaya niyang mag-solo upang maisalba ang kanyang acting career.
Marami ang nakikisimpatya kay Enrique at hindi pa umano huli ang lahat.





Comments