top of page

BF, iniwan nang sumikat na… MARIS, MAS PINILI ANG CAREER KESA KAY RICO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 14, 2024



Matapos aminin na break na sila ni Rico Blanco na five years niyang nakarelasyon, kabi-kabila ang inaabot na bashing ni Maris Racal mula sa mga fans at supporters ng musician. 


Si Maris ang sinisisi kung bakit nauwi sa paghihiwalay ang lahat.


Sey ng mga tagahanga ni Rico, malinaw na ginamit lang ni Maris ang singer upang sumikat at magkaroon ng career at nang sumikat na at nagbibida na sa pelikula ay saka niya sasabihin na gusto niya ng pagbabago para sa kanyang sarili. 



Showbiz News

Twenty-five years ang age gap nina Maris at Rico. At his age na 51 ay matured na ang singer at marami nang achievements bilang isang mang-aawit. Malayo na ang kanyang narating sa mundo ng musika. 


Samantalang si Maris ay nag-uumpisa pa lang sa kanyang journey as an artist. Na-realize marahil ni Maris na marami pa siyang gustong gawin at abutin para sa kanyang career. Biglang-bigla ay nakaramdam siya ng pagbabago sa kanyang mga ideals sa buhay.


Dahil sobrang mahal nila ni Rico ang isa’t isa, napakasakit para kay Maris ang desisyon niyang makipaghiwalay. Maayos naman daw ang kanilang breakup dahil inunawa nito ang pinagdaraanan ng nobya. 


Well, marami naman ang labis na nanghihinayang sa hiwalayang Maris Racal at Rico Blanco dahil bagay na bagay pa naman daw sila sa isa’t isa.



SA pagbabalik ni Willie Revillame sa pagho-host ng game show na Wil To Win, masusubukan kung taglay pa rin niya ang karisma sa mga viewers na ilang taon na sumuporta sa kanyang game show noon na Wowowin. 


Matapos ang tatlong taon na pamamahinga ng kanyang game show nu’ng panahon ng pandemic, muli itong magbabalik at mapapanood na araw-araw sa TV5, 5 PM, simula ngayong Lunes, July 15. 


Walong naggagandahang babae ang magiging co-hosts ni Willie at malalaking premyo ang kanyang inihanda para sa mga contestants at viewers.


Tiyak na aabangan ng lahat kung anu-ano ang sorpresa at pasabog ni Willie sa Will To Win, lalo na’t makakatapat ng kanyang show ang top rated game show na Family Feud na hosted by Dingdong Dantes.


And knowing Willie Revillame, itotodo niya ang mga premyong ibibigay upang makuhang muli ang mataas na ratings ng kanyang show.



TODO-DEPENSA ang mga fans at supporters ni Ivana Alawi sa akusasyon na may attitude raw ang sexy star kaya siya inalis sa Batang Quiapo


Feeling ‘big star’ daw si Ivana at namimili lang ng kanyang kakausapin kapag nasa teyping. Si Coco Martin lang daw ang kanyang pinapansin kapag nasa set.


Ang laki raw ng ipinagbago ng ugali ni Ivana dahil sikat na siya. 


Pero, may paglilinaw naman ang manager ni Ivana na si Perry Lansingan kung bakit mawawala na sa serye si Ivana. Talaga raw ang usapan nila sa production ng

Batang Quiapo ay 3 months lang si Ivana dahil may iba itong commitments na tinanggap kaya nagpaalam na sila.


Isa pang dahilan ay medyo napapagod na rin ang sexy star sa kanyang role at hindi na niya kinakaya ang makipagsabayan kay Tanggol (Coco Martin) sa mga action scenes nila sa Batang Quiapo.



MARAMI ang nagsasabing puwedeng-puwede nang pumalit si Bimby Yap kay Kris Aquino bilang talk show host. Articulate rin kasi ang bunso ni Krissy at updated sa mga showbiz issues-chismis. Natural na natural at nakakaaliw ang pagiging Marites ni Bimby.


Sa one-on-one interview ni Ogie Diaz kay Bimby nang dalawin niya si Kris sa California, USA, marami ang natuwa sa pagiging witty ni Bimby, lalo na nang gayahin niya ang tagline sa show ni Ogie na “I-chika mo na ‘yan, dali!!!”


At kuhang-kuha niya ang mannerisms at istilo ng pagsasalita-pagtawa ng kanyang Mommy Kris. Ma-train lang nang husto si Bimby, puwede na niyang manahin ang trono ni Kris as talk show host. 


Kitang-kita ang interes ni Bimby sa mga kaganapan sa showbiz ngayon at tiyak naman na magagabayan at matutulungan siya ng kanyang ninong na si Boy Abunda na isang veteran talk show host.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page