top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BF, inilantad na sa Thailand… KYLIE, SINABIHAN NG NETIZEN NA UNANG LUMANDI KESA KAY ALJUR

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 4, 2023




Laughing emoji lang ang buwelta ni Kylie Padilla sa nagsabing siya ang unang 'lumandi' sa kanila ng asawang si Aljur Abrenica.


Isang netizen kasi ang nagkomento sa kanyang Instagram post kung saan kasama umano niya ang bagong boyfie sa Thailand habang sila ay namamasyal.


Ayon sa komento ng naturang netizen, totoo raw pala ang sinabi noon ni Aljur na si Kylie ang unang 'lumandi'.


Well, hindi na nag-abala pang magpaliwanag ang Kapuso actress at tinawanan nga lang ang issue.


Marami rin sa mga netizens ang nagtanggol kay Kylie at nagsabing deserve umano ng anak ni Robin Padilla na maging masaya.


Samantala, hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng mga Marites sa socmed ang identity ng lalaking kasama ni Kylie sa Thailand dahil gusto nilang makasiguro kung nag-level-up ba ang pagpili ni Kylie ng ipinalit niya kay Aljur.


Sa isang bahagi ng video, magkahawak-kamay si Kylie at ang naturang guy.


Ang tanong naman ng ilang netizens, kanino kaya iniwan ni Kylie ang mga anak nila ni Aljur habang nagbabakasyon ito?


Kung na kay Aljur ang mga bata, for sure alam nito ang tungkol sa bagong BF ni Kylie.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page