top of page

BF, ine-enjoy na lang… KATRINA, AYAW NANG MAGPAKASAL AT MAGKA-BABY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 28, 2023




Inamin ni Katrina Halili na may bago na siyang pag-ibig. Non-showbiz daw ang guy at matalik na kaibigan ni John Lloyd Cruz.


Ini-reveal ito ng Kapuso actress sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda aired last Tuesday, July 25.


Pero ang kasal ay wala na raw sa kanyang plano, gayundin ang pagkakaroon ng second baby. Okay na raw sa kanya ang kanyang unica hija na si Katie Lawrence na anak niya sa dating partner na si Kris Lawrence.


Ayon pa kay Katrina, bukod sa kanyang dyowa, naka-focus ang kanyang panahon ngayon sa pagpapalaki’t pag-aalaga kay Katie at sa alaga niyang mga ibon.


“Wala, ayoko na (mag-asawa). Puro birds ako ngayon, birds ang mga alaga ko. Ayoko na ring magka-baby, hindi ko kaya, mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby,” sey ni Katrina.


“Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Love life na lang,” sabi pa ng aktres.


Magkasundo naman daw ang boyfriend niya at ang kanyang anak na si Katie.


“Mas more on kasama niya (si Katie) ‘yung boyfriend ko. ‘Yung boyfriend ko ‘yung mas nagga-guide sa akin para alagaan ‘yung anak ko.


“Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, ‘di ba? Stubborn din ‘yung anak ko. So, medyo mahirap kaming dalawa. Minsan, nawawalan ako ng pasensiya, siya ‘yung mas kalmado.

“Tinutulungan niya ako talaga. Siya ‘yung makikipag-usap, siya ‘yung kakausapin ako, kakausapin niya ‘yung anak ko,” kuwento ni Kat.


Ang nais na lang daw niya ngayon talaga ay ‘yung lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda.


“Ako, gusto ko kasi, companion, ‘yun talaga ‘yung hinahanap ko. Noong eight years na (single ako), sinabi ko na, ‘Magbo-boyfriend ako.’


“Gusto kong hanapin ‘yung makakasundo ko, ‘yung parang kaibigan ko, ‘yung makakasama ko hanggang pagtanda ko, ‘yung companion, ganyan,” sabi pa ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page