top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

BF, gustong private lang sila… SANYA, AYAW NA LAGING SUOT ANG 3-CARAT DIAMOND RING

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 16, 2026



TALKIES - SANYA, AYAW NA LAGING SUOT ANG 3-CARAT DIAMOND RING-IG _sanyalopez.

Photo: IG _sanyalopez.



“Sana all, may promise ring,” ang sey ng TV host-komedyanteng si Chariz Solomon sa GMA YouLOL podcast na Your Honor (YH) nang mag-guest ang aktres na si Sanya Lopez kamakailan.


Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa three-carat diamond ring na ibinigay ng non-showbiz boyfriend ni Sanya bilang promise ring.


Tanong ng host na si Buboy Villar, “Suot n’ya kaya ang promise ring?”

Sey ni Sanya, “Hindi. Promise, hindi. ‘Di ko s’ya laging suot. Natatakot din ako.”


Hirit na tanong ni Chariz Solomon, “Baka mawala?”


Sey ni Sanya, “Oo, kasi minsan ako ‘yung parang kunwari, maghuhugas ng kamay, tapos mailagay ko lang d’yan, tapos nakakalimutan ko o baka makalimutan ko.”


Dagdag na tanong ni Buboy, “Mamahalin ba ‘yung promise ring? Totoo bang bato ‘to?”

Sey ni Sanya, “Bato naman.”


Tanong ni Buboy, “Bukod sa promise ring, ano ‘yung promise words n’ya?”

Sey ni Sanya, “Siguro, promise na nandito s’ya palagi for me.

“S’yempre, ‘di ba, masarap din naman sa pakiramdam na ‘pag binigyan ka, kahit ‘di s’ya ring talaga o kahit ano pang klaseng regalo ng isang tao sa ‘yo, masarap din sa pakiramdam na meron.

“Sapat na ‘yung sinabi n’ya na promise, iingatan ka at lagi s’yang nand’yan sa ‘yo.”

Hirit na tanong ni Chariz, “Ilang carats?”


Sey ni Sanya, “Three. Mga three daw.”


Tanong ni Chariz, “‘Di mo s’ya ipinapakilala sa public? ‘Di mo s’ya ipino-post?”

Sey ni Sanya, “Kasi siguro, number one is, ‘di naman kasi s’ya showbiz. So, ‘di s’ya sanay sa ganitong sistema ng kung ano’ng meron tayo now.


“So, ngayon, parang iniingatan ko na lang din. Sa buhay kasi natin, medyo magulo, eh. Public figure tayo, so ‘di natin sila puwedeng pagbawalan sa kung ano ang gusto nilang sabihin sa atin. Sa kanya, hangga’t kaya nating i-control, ‘di naman. May karapatan din naman tayo, it’s our choice kung ipapakilala ba natin or hindi. So, mas pinili ko na ‘wag na lang.


“It’s a mutual decision. Napag-usapan na naman one time, what if, makita na lalabas kami? Okey lang naman na makita kami ng iba. Pero ‘yung ipapakilala ko s’ya, hindi na. Mas gusto ko rin ‘yung tahimik. Iba rin ‘yung life ‘pag walang sobrang nakikialam.”


Dagdag na tanong ni Chariz, “Ano’ng pakiramdam na parang papunta ka na ru’n sa ‘di ka na NBSB? (No Boyfriend Since Birth)”


Sey ni Sanya, “S’yempre, happy ako na lagi akong may thinking na kung sino ‘yung first boyfriend, sana, I pray to God na s’ya na ‘yung maging husband ko, kasi I treasure, eh. Kung ano ‘yung nasimulan, ‘yun na sana.”


Wow, at least, hindi na member ng NBSB si Sanya Lopez. Isang malaking congratulations!





PATOK ang bagong dance craze ng Baby Dolls matapos umarangkada ang kanilang latest single na Ikembot Mo sa ika-16 puwesto sa Spotify Philippines Viral Songs Chart.


Trending din ang dance challenge ng Ikembot Mo sa TikTok (TT) na may mahigit 1 million entries sa platform. 


Tuluy-tuloy din ang paghataw nito sa Spotify na may 311,000 streams, habang nakapasok din ito sa ika-40 puwesto sa Instagram (IG) Music, kung saan mahigit 16,000 reels na ang gumamit ng awitin. 


Dahil sa viral success ng awitin, umakyat ang grupo sa 122,000 monthly listeners sa Spotify.


Binubuo ang Baby Dolls nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Johaira Moris, Juby Sabino, Jelai Ahamil, Eriel Reyes, at Ina Ortega, na unang nakilala bilang contestants ng Sexy Babe at Girl on Fire sa It’s Showtime (IS).


Kamakailan, pinaindak nila ang libu-libong mga fans sa Aurora Music Festival kung saan umani sila ng papuri sa kanilang high-energy at feel-good performance. 


Patuloy din silang nakikisaya sa Zumba tours na bumisita sa Quezon City, Valenzuela, at Rizal.


Kabilang ang Ikembot Mo sa debut EP (extended play) na Zoom Baby Dolls, na mayroong 364,000 all-time streams sa Spotify.





NAGBABALIK-RECORDING ang singer-actor na si Iñigo Pascual sa pamamagitan ng Ikaw at Ikaw, na nagsisilbi ring comeback project niya sa Star Music.


“It feels like I’m coming back to my home. I can easily say that Star Music, they were the people that really saw the potential in me from the very beginning and they allowed me to create music, to even discover that I can be a composer. Sa kanila talaga nanggaling ang confidence ko when it comes to music,” sabi ni Iñigo.


Isinulat niya ang Ikaw at Ikaw na tungkol sa pagbabalik sa tahanan na hindi naman talaga naglaho sa loob ng mga nagdaang taon. Kumuha rin ito ng inspirasyon sa pagbabalik niya sa Pilipinas matapos magpabalik-balik sa bansa at sa Amerika para sa kanyang international career. Inareglo at ipinrodyus ito ni Gabriel Tagadtad.


Aniya, “I wanted to go back to my roots, I wanted to go back to how I started as a musician.”

Nagbahagi si Jonathan Manalo, ABS-CBN Music creatives, content, and operations head, ng kanilang excitement sa pagbabalik ni Iñigo.


Ani Jonathan, “Iñigo will always be family. ‘Di naman talaga s’ya umalis sa amin. His songs, his music stayed with us. S’yempre, ‘pag narinig n’yo ang Dahil Sa ‘Yo, it will always be the signature of Iñigo released under Star Music, and right now it’s like a full circle moment, at alam ko, he will keep releasing songs under his home label.”


Magiging bahagi ang Ikaw at Ikaw ng kanyang upcoming album na nakatakdang ilunsad ngayong taon at magtatampok ng ilang orihinal niyang komposisyon. Nakatakda ring ilabas ang music video nito na kinuhanan sa Batangas.


Si Iñigo rin ang nasa likod ng hit songs na Balang Araw, Catching Feelings, Mr. Nice Guy, atbp. at siya ang boses sa likod ng official Philippine version ng Coco movie soundtrack na Remember Me


Naglabas din siya ng international album na tinawag na Options sa ilalim ng Tarsier Records bago sumabak sa pag-arte abroad para sa Hollywood series na Monarch.

Napapakinggan na ang Ikaw at Ikaw ni Iñigo Pascual sa iba’t ibang mga music streaming platforms.


‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page