top of page

BF, first daw niya sa lahat… MILES AT ELIJAH, NAGHAHANAP NA NG BAHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 8 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | May 5, 2025



Photo: Miles at Elijah Canlas - IG


Nangako si Elijah Canlas kay Miles Ocampo na gagawin ang lahat para sa kaarawan ng Eat… Bulaga! (EB) host.


Nagkahiwalay noon sina Miles at Elijah dahil umano sa intrigang nakapalibot sa kanila.

Pero na-patch-up naman nila ang problema, kaya hindi na nila ito pinalaki pa. Nagkapaliwanagan at muling nagkabalikan.

Ang komento ng mga netizens:


“I remember during Senior High series nag-aaway-away silang mga cast dahil kina Andrea at Daniela na-link kay Elijah kaya nag-break sila ni Miles. Nagkabalikan sina Miles at Elijah pero hindi na bumalik ang closeness ng cast towards Elijah.”


“Love them both! Sana magtagal sila or pang-forever na.”


“Nu’ng birthday ni Bimby, while tinatanong sila ni Ogie Diaz kung kailan sila ikakasal, may nagsalita sa background na naghahanap na raw ng bahay ‘yang dalawa.”

“Sabi ni Miles, first time of everything n’ya si Elijah. Mahirap nga naman.”



MAPAPANOOD na rin sa Netflix ang comeback movie nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ang Ex-Ex Lovers (EEL) na kamakailan lang ipinalabas sa mga sinehan.


The streaming giant announced the news last May 2, through a video featuring the duo signing beloved memorabilia.


“Ilabas ang artista notebooks at butterfly clips! I got some of my keepsakes signed by

Marvin Agustin and Jolina Magdangal, because Ex-Ex Lovers is coming to Netflix on May 20,” post ng Netflix Philippines sa social media.


Sa nasabing clip, makikita si Jolina na pumipirma sa Jolina doll na inilabas noong 2001. 


Sey niya, “Uy, I miss this. May baterya pa!”


Si Marvin naman ay pumipirma sa kanyang self-photo when he was still a teen star, saying, “My 19-year-old self.”

Komento ng isang fan ng magka-love team:


“FINALLY, WE CAN’T WAIT TO WATCH THIS ALL DAY EVERYDAY!!! THANK YOU NETFLIX!”

Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanila, “We’ve always wanted to work on a film project kasi nagti-TV naman kami every now and then pero 'yung film, medyo matagal naming hindi ginawa,” ani Marvin.


“Nu’ng time na sobrang kilig na kilig talaga ‘yung mga tao sa amin nu’ng bata kami, parang dream din namin na ibigay sa kanila ‘yung kasiyahan ulit, i-recreate and ganito na ‘yung estado ng buhay namin, ganito na kalalim ‘yung friendship namin, na gusto nam⁸9£in para rin sa kanila kaya dream project namin ni Marvin with them,” pakli naman ni Jolens.



NAGBAHAGI si Xyriel Manabat ng masalimuot na karanasan sa kanyang pamilya sa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) house.


Inilahad niya kung paanong unti-unti siyang natutong patawarin ang kanyang mga magulang.


Binasa ni Xyriel ang sulat mula sa kanyang ama na nagpaiyak sa kanya sa harap ng mga housemates.


Inamin niyang mas pinili niyang hanapin ang kapayapaan kaysa manatiling nagtatampo sa kanyang pamilya.


Ayon sa aktres, matagal siyang nagtanim ng hinanakit, lalo na sa kanyang ama, ngunit noong nakaraang taon lamang niya natutunang patawarin ang mga ito.


“Last year lang din kami naging healthy ng family ko,” pagbabahagi ni Xyriel.

Pag-amin pa niya, nahirapan daw siyang magdesisyon na bigyan ng chance ang kanyang ama upang muling gampanan ang pagiging tatay.


Aniya, “In-open up ko sa kanya na gustung-gusto ko siyang bigyan ng chance para maging tatay. Last year, I found peace. Hindi ko alam pero nagising na lang ako na gusto kong patawarin ‘yung parents ko.


“Ang dami kong rason para magtanim ng sama ng loob.

“Pero na-realize ko lang na first time rin nila maging magulang.”


Matapos ang pagbubunyag, binasa ni Xyriel ang liham mula sa kanyang ama.

“Mahal na mahal ka namin... Sorry sa lahat ng pagkukulang ko,” bahagi ng sulat na nagpaluha kay Xyriel.


Komento tuloy ng mga netizens, akala raw nila ay napakatapang ng aktres.


Kilala kasi siya na napakaprangka at matapang na tao.


Pero nadama niya ang sinseridad ng paghingi ng tawad ng magulang, lalo na ng kanyang ama, kaya gumuho na ang pader na nakapagitan sa kanilang mag-ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page