BF, 'di nagmamadaling magpakasal… LIZA, DEDMA SA KUMALAT NA BUNTIS KAY ENRIQUE
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 12, 2022

Masayang nakipaglaro ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil sa mga dolphins ng Ocean Adventure na nasa Subic. Nandu'ng yakap-yakapin pa nila ang mga ito.
Post nga ng pamunuan ng marine theme park, “In behalf of our Dolphin Friends, we would like to thank you, Ms. Liza Soberano & Mr. Enrique Gil for your visit."
May mga posts din si Liza ng larawan nila ni Enrique kung saan kinilig ang kanilang mga fans. Matagal na rin kasi silang walang nakikitang kilig photos ng LizQuen.
May isa ngang photo na ipinost si Liza na nagtititigan sila ni Enrique with sunset ang background. At ang isa naman ay tila maghahalikan ang dalawa.
“You make my heart smile,” ang inilagay na caption ng aktres.
Sino ba naman ang hindi mai-in love sa mga larawang ibinahagi ni Liza?
Imagine, seven years na silang magnobyo, pero hindi sila nagsasawa sa isa't isa kahit araw-araw silang nagkikita.
Minsan na ngang nabanggit ni Enrique na may posibilidad na silang mag-settle down ni Liza.
“Of course, we want to take it step by step. That’s why we’re getting into business muna. We are thinking about the future, but we have to concentrate on now."
May teleserye ang LizQuen na mapapanood na muli soon.
Anyway, regarding sa buntis isyu sa aktres, dedma lang ang celebrity couple dahil parang waley namang katotohanan ang balita.





Comments