Search
  • BULGAR

BF, 'di kawalan… ANDREA, MAS GUMANDA AT SUMEKSI NANG MAHIWALAY KAY DEREK

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 17, 2021




Maraming napa-wow nang makita ang latest post ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa social media. Naka-display kasi ang kanyang flat na flat na abs at sexier body figure na talaga namang pagpapantasyahan ng kalalakihan.


Sa halip na magmukmok, umiyak at magpabaya sa sarili after ng breakup nila ni Derek Ramsay, mas nagpaganda at inalagaan ni Andrea ang kanyang sarili upang fit na fit siya para sa bago niyang serye sa GMA Network, ang Legal Wives. Gaganap siya bilang isa sa mga asawa ni Dennis Trillo na isang Muslim royalty.


Sayang nga lang at balot na balot ang katawan ni Andrea sa kanyang role bilang Muslim wife.


Anyway, umani ng positive comments mula sa ilang celebrities at co-artists ang post ni Andrea na nakadispley ang kanyang abs. Binati siya nina Sanya Lopez, Chynna Ortaleza, Arny Ross, Gabby Eigenmann atbp..


Sa aura ngayon ni Andrea Torres, hindi mo sasabihin na brokenhearted siya at loveless! Haharapin niyang masaya at puno ng pag-asa ang bagong chapter ng kanyang buhay ngayong 2021.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.