Bet ng Vietnam tanker astig sa mixed relays ng SEA Open Water meet
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by MC @Sports News | August 23, 2026

Photo: Nanguna ang Vietnam, segunda ang Thailand at tersero ang Indonesia sa ika-4 na Southeast Asia Open Water Swimming Championships na inihanda ng Philippine Sports Commission. (pscpix photo by: Philippine Aquatics)
Gamit ang buong lakas sa paglangoy, winalis ng Vietnam ang 6 na kilometrong mixed relays sa parehong age groups ng ika-4 na Southeast Asia Open Water Swimming Championships na inihanda ng Philippine Sports Commission ngayong Sabado.
Sa ilalim muli ng magandang kondisyon sa 1.5K course na tanaw ang Boracay Newcoast, ang mga Vietnamese tanker na 14-18-taong-gulang at 20-taong-gulang pataas ay nagpakita ng bilis at lakas sa paglangoy na inorganisa ng Philippine Aquatics Inc. sa pahintulot ng Southeast Asian Swimming Federation.
Sina Ngoc Vin Dho, Kha Ni Nguyen, Tu Uyen Le Huynh, at Van Dung Cao ay may pinagsamang oras na 1 oras, 15 minuto at 43 segundo upang makuha ang ginto sa 14-18-taong-gulang na kategorya.
Sina Vin Thabao Nguyen, Thi Bac Ngoc Vo, Thi Thuy An Pan at Gu Phuc Tran ang nanguna sa adult category sa oras na 1:13.20. Nakuha ng Thailand (1:16.50) at Singapore (1:20.33) ang pilak at tanso habang ang Thais (1:16.45) at Indonesians (1:20.21) ay pareho rin ang tinapos sa 20-anyos pataas.





Comments