top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Best-Of-3 Finals ng NBL at WNBL, abangan na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 04, 2021




Karangalan at kasaysayan ang nakataya ngayong araw sa pagsisimula sa hiwalay na seryeng best of three para sa kampeonato ng CTG National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup 2021 at PC Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 mula sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando, Pampanga. Ito ang unang kampeonato ng dalawang liga matapos iakyat sa hanay ng mga ligang propesyunal noong nakaraang taon.


Sa NBL, maagang paborito ang punong abalang Pampanga Delta laban sa bisitang La Union PAOwer sa kanilang tapatan simula 5:30 ng hapon. Sa kanilang nag-iisang laro noong elimination round noong Oktubre 23, giniba ng Delta ang PAOwer, 117-58.


Umaasa ang Pampanga na patuloy pa rin ang mahusay na laro nina Florencio Serrano, Levi Hernandez at Rhanzelle Yong subalit napatunayan na kahit sino sa kanilang 15 manlalaro ang may kakayahan na mag-ambag sa panalo. Sa panig ng La Union, pangungunahan ang kanilang atake nina Jayson Apolonio,Erven Silverie, Jonathan Ablao, Billy Ray Boado at Kirk Andrew Agulan habang kailangan tumbasan ng kanilang mga reserba ang lalim ng kalaro.


Ang Game 2 ng serye ay nakatakda agad para sa Linggo sa parehong lugar at oras. Kung kakailanganin, ang winner take all Game Three ay gaganapin sa Disyembre 11.


Bago ang serye, nilinaw ng pamunuan ng PAOwer na sa kanila pa rin maglalaro si Apolonio na matunog na kandidato para Most Valuable Player. Ito ay sa gitna ng mga lumabas na ulat na lilipat ang forward sa ibang koponan sa ibang liga at nakalista na ang pangalan nito.


Mabigat na paborito din ang walang talong Paranaque Lady Aces na mauwi ang korona sa WNBL kontra sa palaban na Taguig Lady Generals sa 3:00 ng hapon. Winalis ng Lady Aces ang walong laro sa elimination, kasama ang dalawa laban sa Lady Generals, 58-37 at 63-49.


Sasandal muli ang Paranaque sa kanilang kandidata para sa Most Valuable Player na si Allana Lim at 6’4” Clare Castro. Tatapatan sila ng dalawang matinik na gwardiya ng Taguig na sina Tin Capilit at Janeth Sison at sentro Wiz Duazo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page