top of page
Search
  • BULGAR

Best Actress sa Japan… ARCI, UMAMING GUSTONG MAKASAMA SINA COCO AT ALDEN

ni Julie Bonifacio @Winner | June 13, 2024



Showbiz Photo

      

Triple treat ang hatid kay Arci Muñoz ng kauna-unahan niyang attempt as a producer via her much-talked about film Malditas in Maldives under NDM Studios and directed by Njel de Mesa. 


First time producer si Arci sa pelikulang ito na first full-length film na ishinoot sa breathtaking island paradise such as Maldives, tapos wagi pa siya ng acting award.

Winner si Arci ng Best International Filipino Actress award sa 1st Jinseo Arigato International Film Festival na ginanap sa Nagoya, Japan para sa Malditas in Maldives.


First-ever acting award ito ni Arci at pang-international pa.


Kasama si Arci sa Philippine delegation na dinala ni Direk Njel sa Jinseo Filmfest at hindi in-expect ng aktres na may bitbit siyang award pagbalik ng Pilipinas. 


Ayon kay Arci, “Ayoko pong mag-expect ng anything in my head. I just really love what I do and I’ll continue doing that po. And, having an award or getting something, ma-recognize in something that I love is a bonus especially it’s Japan, hehehe.”


Natawa raw si Arci nu’ng marinig niyang tinawag ang kanyang pangalan as Best International Filipino Actress during the awards ceremony dahil 'di siya nakapag-prepare ng speech at hindi niya alam ang sasabihin.


"Medyo nag-enjoy pa kami the night before kaya may hangover pa ako. Hahaha! Sabi ko, ‘Sorry, guys. I’m still having my hangover. I really appreciate,’ sabi ko. ‘Di ba, it’s different to be recognized somewhere else? ‘Yun lang,” lahad ni Arci nu’ng makausap namin sa


Cornerstone Studios bago siya lumipad papuntang Dubai. 

Bilang first time producer naman, marami raw itinuro sa kanya si Direk Njel at ginabayan siya nito sa buong pelikula.


Almost two decades na rin sa showbiz si Arci since she started sa StarStruck

Inialay niya ang napanalunang award sa kanyang ina na kasama niya sa Japan para sa JAIFF 2024.  


“I dedicated the award to her and to dad. My dad passed away. So, since my dad passed away, I know that he’s been guiding me from above.


“My mom, diretso ako sa kanya, eh. Pagkababa ko ng stage, inabot ko ‘yung award sa kanya. Kasi it’s for them. I do everything for them,” diin ni Arci.


Dahil d’yan, posible na may magbukas pang mas maraming opportunities for international projects para kay Arci.


Bulalas niya, “Oh, wow! I hope I’m prepared for that. It’s gonna be a really big thing po, if ever. But, if that chance really comes along, I wouldn’t miss the opportunity. 


“I will still work hard. Kasi I know I have to work harder. Iba ang disiplina sa ganyan, eh. When I started in theater, when I was in college, iba po ang disiplina noon, eh. And ngayong nag-TV ako, nadi-differentiate ko talaga.


“Pero international is gonna be tough. But, I’m willing to learn and I’m gonna work harder.”


Natanong din namin si Arci kung may mga artista at direktor na gusto niyang makatrabaho.


“Ano po, Direk Brillante Mendoza and hindi ko pa po kasi nakasama sina Coco Martin and Alden Richards. So, sila na lang yata ‘yung hindi ko pa naka-pair,” pagri-reveal niya. 


Bumuntong-hininga muna si Arci bago ini-reveal ang name ng aktres na gusto niyang makatrabaho. 


“Dream ko po talagang makasama si Ms. Cherie Gil pero wala na siya, eh. Kasi, one reason parang why I became an actress was because of her,” pag-amin ni Arci.


Sad to say, never niyang na-meet personally ang yumaong aktres. 


“And then, my second idol like I’m gonna freak-out when I see her is Ms. Lea Salonga.


Hahaha!  ‘Yung hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko s’ya. Baka tahimik lang ako, ‘Hi, po.’ Hahaha!” sey pa ni Arci.


Mahilig daw kasi si Arci sa fairytale and Disney Princess. So, there.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page