Bentang-benta… HEART, RUMAMPA SA PARIS NANG WALANG BRA
ni Nitz Miralles - @Bida | January 30, 2022

Panalo ang OOTD ni Heart Evangelista sa Paris Fashion Week, at ang pinakabentang-benta para sa kanyang mga supporters ay ang suot niyang black mini-dress with a V-neck at high heel boots kung saan braless siya kaya kita ang side ng boobs. Ito na ang pinaka-daring na damit na nakita naming suot ni Heart.
Ito rin ang damit na suot ni Heart sa kanyang “tiis-ganda” photo shoot sa harap ng Eiffel Tower at mapapanood sa kanyang TikTok. Naaliw ang mga nakapanood sa kanyang TikTok sa dialogue nitong “Hindi ko na kaya, ‘di ko na kaya,” kahit sinabihan siya ng photographer na kaya pa niya.
Curious ang mga netizens kung ilang maleta ang dala ni Heart sa Paris trip niya dahil sa rami ng damit na kanyang isinusuot. Gusto ring malaman ng mga netizens ang kasamang stylist at make-up artist ni Heart dahil ang galing nila.
Anyway, last two weeks na ng I Left My Heart in Sorsogon simula bukas at isa sa mami-miss ng mga viewers ang OOTD pa rin ni Heart.
Sa February 11 na magtatapos ang story ni Celeste (Heart) na parang walang pipiliin kina Mikoy (Paolo Contis) at Tonito (Richard Yap).





Comments