top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

BEN & BEN, NATUPAD ANG PANGARAP MAKASAMA SI ED SHEERAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 11, 2024
2 min read

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | March 11, 2024




Nakasama ng sikat na bandang Ben & Ben on stage ang kanilang idolo na si Ed Sheeran sa SMDC Festival Grounds nu’ng Sabado (March 9).


Ipinost ng Ben & Ben ang ilan sa kanilang experience sa “Mathematics Tour in Manila” ng English singer-songwriter sa kanilang Facebook page at makikita sa post nila ang kasiyahan na makausap at makasama ang kanilang idolo. Matatandaan din na nag-cover sila ng isa sa mga kanta ng singer-songwriter titled Perfect.


Caption ng Ben & Ben, “Still so surreal. Thank you Ed Sheeran,” na may praying hand emoji.


Nagpasalamat din sila sa kanilang mga fans na “Liwanag,” tawag sa fandom ng grupo, at ishinare rin ng banda ang chronological events before and after the concert.


Ayon sa Ben & Ben, nu’ng na-meet nila si Ed ay nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama itong magkaraoke, i-perform ang mga sikat na kanta ng singer at kantahin din ang Maybe The Night sa live audience.


Pahayag ng Ben & Ben sa isang post, “Grabe, we still can’t believe it. Para kaming nasa panaginip. We’re so grateful. We’re extremely happy. Sobrang kinikilig pa rin kami hanggang ngayon. After our set, sinalubong niya kami backstage at kinamayan niya kaming lahat. Nakipag kuwentuhan pa muna siya ng konti samin, na parang kaibigan lang namin.”


Binanggit din nila sa nauna nilang post na labis ang pagpapasalamat nila sa lahat ng supporters and fans nila na nakikinig ng kanilang mga kanta, at ayon pa sa kanila na mamahalin nila ang mga “Liwanag” until 70 and beyond.


Sinabi rin ng Ben & Ben sa kanilang post sa Facebook page, “Ma! Ed Sheeran and I are already special guests in his concert, just like old times.”


Also, they added na never in their wildest dream daw na makakasama nila ang sikat na English singer-songwriter sa iisang concert, singing the songs that Filipinos love to hear.


Anyway, pangatlong pagkakataon na ni Ed Sheeran sa Pilipinas dahil nag-perform na siya sa Manila noong 2015 at 2018, then lumabas siya sa isang episode ng “All-Out Sundays” noong 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page