Belong na sa First Family… ALEXA, SANAY NANG MAY PSG 'PAG MAGKASAMA SILA NI SANDRO
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 25, 2022

Mas maganda pala in person ang nababalitang girlfriend ngayon ni Ilocos Norte District 1 Congressman Sandro Marcos na si Alexa Miro. Na-meet at nakausap namin si Alexa sa presscon and launch ng Asia’s Pinnacle Awards 2022 na ginanap sa Limbaga77 last Tuesday.
Si Alexa ang tinanghal bilang Rising Actress in the Entertainment Industry of the Year ng bagong award-giving body na naglalayong kilalanin ang kontribusyon ng mga Pinoy na nagtagumpay sa larangan ng business.
Ang mommy daw niya ang makakasama niya on that special occasion at wala siyang maibigay na assurance kung sasamahan siya ni Rep. Sandro sa awards night ng Asia’s Pinnacle Awards na magaganap sa grand ballroom ng Okada Manila sa October 8 (Sunday).
“Ang alam ko po, may protocol po ang mga politicians natin kung saan sila puwedeng pumunta. Of course, hindi ko po alam. I think, may protocol po sa mga ganu'n. Pero ita-try ko rin po siyang tanungin kung puwede siya,” paliwanag ni Alexa sa tanong kung posible bang maging escort niya ang First Son on that event.
Siyempre, may mga bitbit din na PSG (Presidential Security Guards) si Rep. Sandro kapag sumama sa kanya. Ganoon naman daw lagi kapag magkasama silang lumalabas ng Presidential Son.
Feeling safe and protected daw si Alexa kapag nakikita niya ang PSG ni Rep. Sandro na nakapaligid sa kanila. At hindi raw siya naiilang kapag kasama nila ang PSG saanman sila magpunta.
Pero iba naman ang nararamdaman ni Alexa kapag magkasama at pinagtitinginan sila ni Rep. Sandro ng mga tao.
“Uh, natatawa po ako. Hehehe. Actually, kunwari, kakain po kami-kaming magkakaibigan, kailan ba kami huling kumain? Natatawa at nakukyutan lang po ako kapag pinupuntahan siya, nagpapapiktyur. And, nagiging proud po kami sa kanya kapag talagang he goes out of his way to go there and talk to the people and let take pictures with him,” pahayag ni Alexa.
Four years ago pala nu’ng unang nagkakilala sina Alexa at Rep. Sandro. Ipinakilala sila sa isa’t isa ng mutual friend nila sa isang malaking party. But at that time, may boyfriend raw na iba si Alexa. Nagkaroon na lang daw ulit sila ng komunikasyon ni Rep. Sandro three years after ng breakup ni Alexa sa kanyang boyfriend.
“Ano po, hindi po kami masyadong nag-uusap, eh. Siguro po kasi, may boyfriend ako noon. ‘Pag may boyfriend po ako, kahit po ‘yung mga kaibigan kong lalaki, hindi ko po masyadong tsinitsika.
As in, siguro, tinatamad akong makipag-usap, makipagkuwentuhan.
“Actually, kahit sa mga babae kong kaibigan, medyo tamad po akong makipag-usap. But yeah, we weren’t really in any communication of some sort. Only last year na naging single po ako at nakausap ko na po ulit lahat ng mga kaibigan ko, mga boys, mga girls, people I forgot to connect with and doon na po kami naging close (ni Sandro). That was much before election pa po last year.”
Sa tingin niya, what makes them click ni Rep. Sandro?
“Ano nga ba? Ano kasi siya, eh, malambing siya sa lahat ng mga kaibigan niya. Marami siyang mga kaibigan na babae. As in, sobrang dami po. Sweet siya and thoughtful and he will really ride with kung ano ‘yung trip naming magkakaibigan. Kahit iba-iba, kaya niya talagang makisama.”
Inamin ni Alexa sa amin na na-overwhelmed siya na belong siya sa First Family.
“Hindi po ako magsisinungaling, nao-overwhelmed pa rin po ako until now. Kasi, hindi naman siya naging matunog sa tenga ko noon, nu’ng ipinakilala siya sa akin four years ago.
Parang it really didn’t matter to me kung Marcos siya. Hindi ‘yun ibig sabihin na mas bibigyan kita ng oras o mas bibigyan kita ng atensiyon.
“So, nu’ng naging close kami, doon ko mas nakilala kung sino siya and ganu'n naman tayo sa lahat ng tao. Ako, I don’t really care about the name or the status or whatever. Pero tama po kayo, nao-overwhelmed pa rin ako kapag nasa presensiya nila because of course, their family, they are esteemed family,” lahad ni Alexa.
Inilarawan naman ni Alexa sa amin kung sino si Rep. Sandro, up close and personal.
“Sandro is a very strong-willed person. Sandro is straight and sharp, hardworking. Alam na alam niya kung ano ang dapat niyang gawin at kung ano ang gusto niyang gawin. Ako po, kabaligtaran ako, eh. Hehehe! Very soft-hearted po ako, eh.
"Marami po talaga akong natutunan sa kanya whenever I have problems. Parang isa po siya sa mga tao na nagre-remind sa akin to be strong naman. ‘Tapangan mo. Fight. Because you don’t have to be always strong.’ Na parang dapat alam mo na kaya mo ring lumaban. Kung kilala mo ang sarili mo, enough na ‘yun. I-blurred-out mo na lahat. Sa kanya ko actually natutunan ‘yun.”
Samantala, sobrang na-appreciate ni Alexa ang award na tatanggapin niya mula sa Asia’s Pinnacle Awards 2022.
“As a beginner, awards like this kind of make me parang reminder to that I’m on the right path because actually, every individual in this room, we have doubts along the way whatever path we choose or whatever job we decide to pursue, ‘di ba?”
Dagdag pa niya, “We have doubts along those ways. Maraming obstacles and then, on your way up, there are a lot of people who will try to bring you down that will make you question why you're even doing this. But awards like this serves as a reminder for you to keep moving forward because you’re not doing this for yourself but it’s for other people as well.”
Anyway, ang founder at president ng Asia’s Pinnacle Awards 2022 ay walang iba kundi si Dr. Ronnel Ybañez, ang nanguna sa pag-evaluate ng mga nominees and awardees sa unang salvo ng pagbibigay nila ng parangal this year.
Katuwang niyang namili ng mga nominado sina Erarev “Anne" Bacho (founder ng Eralista), Asec. Vidal Villanueva (assistant secretary of Cooperative Development Authority), Charms Espina (PTV4 news anchor), Nico Faustino (founder of Go Live Asia), and Dr. Alim Fatani (National President of Ulama and Imam of the Philippines Association).
At sa Entertainment category, pinangunahan ng filmmaker and events director na si Perry Escaño ang hanay ng mga hurado.
Ang iba pang celebrities na bibigyan ng karangalan sa Asia’s Pinnacle Awards 2022 ay sina Marvin Agustin, Joel Torre, Enchong Dee, Elisse Joson, McCoy de Leon at marami pang iba.
Ang iba pang kasama ni Alexa na bibigyan ng parangal ng Asia’s Pinnacle na humarap sa press launch ay sina Daiana Menezes at ang manager ni ‘Darna’ na si Jane de Leon na walang iba kundi si Tyronne Escalante.
By the way, isa rin si Jane sa mga tatanggap ng awards on that event as the Most Outstanding Female Actress of the Year.





Comments