top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BELLE, SUPER HAPPY SA NARANASANG FIRST TIME KASAMA SI DONNIE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 1, 2023




Masayang nagdiwang ang mga artista ng talent management na Star Magic ng kanilang 'Magical Prom' noong March 31.


Makikita sa naturang event ang mga old and new generations of young artists na dapat abangan ngayong taon. Present din ang mga reel and real-life young couples.


Nagpatalbugan ng kanilang kasuotan ang mga girls, samantalang ang kani-kanilang mga partners naman ay nagguguwapuhan sa kanilang outfit.


First time na ginawa ito ng talent agency ng ABS-CBN na magkaroon ng Star Magic Magical Prom. At hindi red-carpet ang nilakaran ng mga artists, kundi “Ivory Carpet” kaya nagningning ang kanilang mga kagandahan at kaguwapuhan habang rumarampa.


Taray, 'di ba?


Ang event ay ginanap sa Bellevue Hotel sa Alabang.


Walang itulak-kabigin sa mga attendees tulad nina Aljon Mendoza and Jayda Avanzado; Donnie Pangilinan at Belle Mariano; Ricci Rivero at Andrea Brillantes; Seth Fedelin at Francine Diaz; Jeremiah Lisbo at Kaori Oinuma.


Halos lahat ng mga nabanggit ay may mga "promposal" videos kung paano nila napa-oo ang kanilang prom date, except sa DonBelle.


Hindi nila ishinare ang kanilang promposal. Ayon kay Belle, formal na raw na nagsabi sa kanya si Donnie.


"He asked me, and it’s my first time experiencing that. I’m so grateful, I’m so happy that I get to experience this thing with him, of course," lahad niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page