- BULGAR
Belingon, hindi pa tapos ang misyon vs. Fernandes
ni MC - @Sports | July 11, 2022

Nagpapatawad si Kevin “The Silencer” Belingon pero hindi siya nakakalimot.
Mahaharap ang dating ONE bantamweight champion sa isang mahirap muling sitwasyon, pero naniniwala siya na marami pa siyang patutunayan sa kanyang career.
Kung bibigyan ng tsansa, nais niyang liwanagin na ang lahat sa loob ng maraming taon.
Sisimulan niya ito sa paghihiganti sa dati na niyang karibal at tormentor na si Bibiano “The Flash” Fernandes. “Of course, if given the chance, I want to face Bibiano again,” saad ni Belingon. "We’ve competed against each other many times in the past, and I think a fifth match between the two of us would be interesting – fans would still love to see that.”
Sa apat na laban sa Brazilian, naghahalo roon ang kanyang tagumpay, pero naniniwala siya na hindi pa sila tapos ni Bibiano.
Nang maagawan ng trono si Fernandes ni John Lineker, nagbukas ang posibilidad na muli silang magharap ng Pinoy at excited naman ang 34-anyos sa posibilidad na ito.
Pero matataon muna si Belingon sa rematch kay no. 3 ranked bantamweight “Pretty Boy” Kwon Won Il, na nagtapos sa kanya sa body shots noong nakaraang taon.
Saludo naman si Belingon sa South Korean fighter, at aniya ang “Pretty Boy” ay may mahusay na performance, pero tiyak naman niyang paghahandaan ito ng siyento porsiyento.
Pero susubkan muna ni Belingon muli ang suwerte laban kay Kwon.“Aside from Bibiano, I want a rematch with Kwon. Our last fight didn’t really go my way. I got injured, but I don’t want to use that as an excuse. I want that rematch with Kwon as well,” saad ni Belingon.